Apo ni FPJ magso-showbiz na, pero magwo-workshop muna
Bagama’t naging malaking bahagi si Bryan Llamanzares sa naging kampanya ng kanyang ina para sa Senado, hindi sa pulitika gustong mag-concentrate ng paÂnganay ni Sen. Grace Poe-Llamanzares. Nagpaalam na itong papasok ng showbiz na hindi naman tinututulan ng kanyang ina at ng ibang miyembro ng kanyang pamilya. Sa halip lahat sila ay suportado ang kanyang pasya pero ang kanyang ina ay gusto munang mapaghandaan niya ang kanyang gagawin.
“Hindi komo apo ka ni FPJ (Fernando Poe, Jr.) ay artista ka na agad. Dapat ay mapaghandaan mong mabuti ang gagawin mo. Kailangan mong kuÂmuha ng acting lessons, pumasok sa workshops, hindi lamang sa pag-arte kundi sa lahat ng aspeto na makakatulong para maging mabuti ka sa trabaho mo. You have to work hard, even to start from the bottom,†ang payo ng kanyang ina.
Ito ay kahit na mawawalan siya ng isang masipag, mahusay, at mapagkakatiwalaang tao sa kanyang opisina, buong puso niyang ibinigay sa anak ang kanyang blessing.
Nakatapos na si Bryan ng kanyang kolehiyo at walang dahilan para hindi nito maibibigay ang buo niyang panahon sa pagiging isang mahusay na alaÂgad ng sining.
Suportado rin siya ng kanyang lola, ang reyna ng pelikula na si Susan Roces, sa kanyang piniling trabaho.
Martin at Charice gustong nang makawala sa Kapamilya
Patuloy pa rin ang rigodon ng mga artista sa tatlong major television networks. Bagama’t tila napigilan ng GMA ang gagawing pagÂlipat sana ni Lovi Poe, wala pa ring linaw kung magagawa nila ito kay Ogie Alcasid na hanggang sa katapusan pa ng kasalukuyang buwan ang kontrata sa Kapuso Network. Hindi naman siguro assurance na kasama ito sa bagong programa ng GMA tuwing Linggo, ang Sunday All Stars, para sabihin na mananatili na siyang Kapuso. Naroon pa rin ang posibilidad na baka makalipas lamang ang buwan ng Hunyo ay mawawala rin siya at nakikita na sa ibang istasyon. Sa ngayon, isang malaking palaisipan pa rin sa lahat ang gagawin ni Ogie ’pag nagtapos na ang kanyang kontrata sa GMA.
Pero kung si Ogie ay naiisip na pumunta ng ibang istasyon sa TV na nauna nang napabalita ay sa TV5, dalawa namang Kapamilya ang nagbabalak daw iwan ang ABS-CBN para pumunta ng GMA. Ito ay sina Martin Nievera at Charice.
Tunay na heredera wala pa sa Anna KareNina
Malalaman na sa araw na ito na wala sinuman kina Anna (Krystal Reyes), Karen (Barbie Forteza), at Nina (Joyce Ching) ang may karapatan na maging Anna KareNina. Pinatunayan ng mga ginawang test sa kanila na wala silang dinadalang dugo ng Monteclaro. Pero sa halip na matuwa dahil lumabas din ang totoo ay nalungkot ang mag-asawang Don Xernan (Juan Rodrigo) at Donya Carmela (Sandy Andolong). Napamahal na kasi sa kanila ang tatlong dalagita.
- Latest