MANILA, Philippines - Ngayong Sabado ay tutukan sa GMA News TV show ang Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) dahil panauhin ni Mader Ricky ang mga nagwagi sa 2013 Miss Philippines Earth beauty contest.
Makikilala natin kung sino ang mga reyna ng kagandahan sa likod ng kanilang make up, fashionable na kasuotan at pagrampa.
“Ilan sa kanila’y nangarap maging beauty queen pero may ilan ding hinubog ng talent agent at mga fashion designer. Sa bandang huli’y nasanay na ring rumampa at magsikap hanggang makuha ang titulo sa isang beauty pageant,†sabi ni Mader
Anu-ano ba ang ginagawa ng mga binibining ito para mapanatili ang kanilang kagandahan at ano rin ang nagiging karanasan nila sa pagsali sa mga contest?
Tampok din sa GRR TNT ang isang kulektor ng mamahalin at kakaibang Ferrari cars. Sa pagdalaw natin sa showroom ng ginoo’y kapansin-pansin ang mga laruang kinokolekta rin niya. Toys for big boys, ganun.
Dadalaw tayo sa mga gimikero at gimikerang cosplayer (costume player) na ang nakakahiligang isuot ay costume ng mga paborito nilang cartoon character at superhero. Malaki ang gastos nila sa naturang hobby pero kakaibang kasiyahan naman ang nadarama nila rito.
Bilang sagot sa insistent public demand ng mga manonood ay tatalakaying muli ang orig na fresh stem cell therapy na nagsimula sa Germany. May testimonya ang mga pasyenteng gumaling sa iba-ibang sakit matapos gamutin sa Villa Medica.
Basta usapang kagandahan at kalusugan, saan pa kayo?