^

PSN Showbiz

Noli De Castro tumawid nang 24 beses sa ilog at Umakyat SA matatarik na bundok

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Taun-taon, hinaharap ng mga mag-aaral sa lungsod ang mga problemang pang-edukasyon gaya ng kakulangan sa silid-aralan, aklat, at guro. Pero sa mga liblib na lugar sa mga  lalawigan sa Luzon, Visayas, at Mindanao, ibang klaseng suliranin naman ang pilit na nilalampasan, kasabay ng pagharap sa samu’t saring hamon — maging ang peligro sa kanilang kalusugan at buhay — para lamang makarating sa eskwelahan.

Ngayong Linggo (Hunyo 23), bubusisiin ng beteranong mamamahayag na si Kabayang Noli de Castro sa Kabayan Reports: Gusto Kong Mag-Aral ang natatanging hangad ng mga mag-aaral na magkaroon ng de-kalidad na edukasyon. Bibigyan-pansin rin ni Kabayan Noli ang dedikasyon ng kanilang mga guro na turuan ang mga bata.

Sinadya ng brodkaster ang malalayo at liblib na pampublikong paaralan sa Luzon, Visayas, at Mindanao, partikular sa Sitio Nabol sa Sarangani, sa bundok at dagat ng Zamboanga City, Sitio Paglitao sa Antipolo, at Maslog sa Eastern Samar.

Naranasan ni Kabayan Noli ang hirap na pinagdaraanan ng mga titser at estudyante, lalo na ang mga katutubo o indigenous community. Sinabayan niya sila sa pagtawid nang 24 na beses sa ilog, pag-akyat sa matatarik na bundok, pagbagtas sa mga putikan at iba pang mga pagtitiis makapasok lang sa klase. “Nakakaawa talaga ang ating mga kababayang indigenous dahil sobrang layo ang kanilang bahay sa kanilang paaralan,” pahayag ni Kabayan Noli.

Dagdag pa niya, “Hindi sila abot ng basic services. Kaya ang mga problema sa lungsod, walang-wala kung ikukumpara sa kalagayan nila.”

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga pisikal at mabibigat na hamon, bukod pa ang mga ito sa kahirapan, sakuna, problema sa peace and order at kalayuan ng mga paaralan. Sa kabila ng lahat ay ipapakita ni Kabayan ang hindi matatawarang pangarap, ‘di lamang mga estudyante, kundi pati na rin ng kanilang mga pamilya at guro, na maiahon sila sa hirap at guminhawa ang buhay.

Tunghayan ang Kabayan Reports: Gusto Kong Mag-aral ngayong Linggo (Hunyo 23) sa ABS-CBN Sunday’s Best.

EASTERN SAMAR

GUSTO KONG MAG

GUSTO KONG MAG-ARAL

HUNYO

KABAYAN NOLI

KABAYAN REPORTS

KABAYANG NOLI

LUZON

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->