Jodi kabado sa pagsali sa filmfest

Bagaman at alam ng mga nasa likod ng  seryeng pang-umaga ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart na may planong gawin itong pelikula, nakagulat din sa kanila, lalo na sa mga stars nito, na hindi na hihintayin ang pagtatapos ng serye. Kasama na ito sa MMFF 2013, isa sa walong pelikula na magku-compete. Kung sakali, makakasabay ang pagpapalabas nito sa pagtatapos ng pag-ere nito sa telebisyon na makakatulong ng malaki sa promosyon ng pelikula dahil baka sa pelikula na malalaman ang kahahantungan ng romansa nina Sir Chief at Maya.

Sinabi ni Jodi na kabado siya shooting ng pelikula nila pero hindi pa raw niya nababasa ang final script nito.

Korean popstar walang bayad sa pagpo-promote ng ‘Pinas

Maaring ang unang reaksiyon n’yo rito ay bakit isang dayuhan at hindi Pinoy ang tumutulong para i-promote ang turismo sa bansa. Kahit pa sabihin ang pinakalayunin niya ay himukin ang marami pa niyang kababayan na pumunta rito at subukan ang mara­ming magagandang tanawin dito, mag-aaral sa mga kolehiyo at unibersidad o mag-invest man lamang sa mga negosyo dito. Mas makakaganyak tayo kung isang Pinoy ang gumawa rito. By having a foreigner promote the country, baka magduda pa ang maraming banyaga kung bakit hindi Pinoy ang gumagawa nito. Pero  walang nag-utos o humimok sa Koreanang popstar na si Ailee na kumuha ng video sa bansa at ipalabas ito sa YouTube o sa mga Cable channels. Sariling kusa niya ito nang bumisita  siya ng bansa.

Best Artist sa Golden Disc Awards at Seoul Music Awards sa taong ito si Ailee at malaki ang tulong na nagagawa nito para madagdagan pa ang mga kababayan niya na nagaganyak pumunta rito.

Sa ngayon, sa Korea nagmumula ang pinakamaraming turista na nasa bansa. Pangalawa lamang ang US at iba pang kapatid na bansa sa Asya.

Luis nadagdagan ang mga kaibigan nang maglakad sa Edsa

Akalain mo, mas naging bearable sa maraming inabot ng baha sa Edsa nang makasabay nila sa kanilang paglalakad si Luis Manzano nung isang gabi. Halos hindi gumagalaw ang mga sasakyan sa Edsa dahil sa lalim ng baba kung kaya nagpasya si Luis na maglakad na rin na tulad nang ginawa ng marami. Iniwan niya ang kanyang sasakyan sa isang safe na lugar para makarating siya ng bahay kaysa naman mainip sa paghihintay sa loob ng kanyang sasakyan para mawala ang baha.

It did not take long bago siya mapansin ng kanyang mga kasabay and soon enough, masaya na siyang nakikipagkuwentuhan sa kanyang mga kasabay. Bago pa niya napansin, nakauwi na siya and was bidding everyone goodbye. Ni hindi siya napagod at naka-inspire pa sa marami na maglakad at makakilala ng mga bagong kaibigan.

Sef walang problema ang relasyon kay Yassi

Napakaswerte naman nitong si Sef Cadayona. Hindi lang ang career niya ang matagumpay, bongga rin ang love life niya. Four months na ang relationship nila ni Yassi Presman at smooth sailing lang sila, walang LQ, walang selosan. Bukod sa kasama sila sa cast ng Sunday All Stars ng GMA na kung saan parehong natatampok ang kahusayan nila sa pagsasayaw, may sari-sarili rin silang mga shows. May ginagawa din silang isang indie film.

Show comments