Abogado ng mga artista kalahating milyon ang acceptance fee

True kaya na kalahating milyon o P500k ang acceptance fee ng isang kila­lang abogado ng ibang taga-showbiz?

Napag-usapan kasi ang nasabing abogado sa isang huntahan kamakailan at nabanggit ng isang beterana na sa demanda na P500,000 nga raw ang acceptance fee ni atty.

Tsika pa, type na type raw ni atty. na magpa-interview dahil feel na feel nito ang pagiging celebrity status.

Kung P500k nga, meaning madali nga siya lalong yayaman dahil hindi lang isa o dalawa ang kliyente niyang celebrity na hindi lang taga-showbiz kundi sa ibang field din.

Kris nag-effort sa araw ng mga tatay kahit nasa Italy si James

Baka naman kasi alam ni Kris Aquino na nasa Italy ang ex hubby       niyang si James Yap kaya nag-text siya sa mga abogado nito noong umaga ng Father’s day para tanungin kung nasaan ito para sa celebration ng Araw ng mga Ama.

Panay naman kasi ang post sa Instagram ng basketbolista. Pati ang pagpapa-therapy niya sa Olympic doctor na si Filippo Mechelli inilagay pa niya sa Instagram. Ang hilig-hilig niya ring magpa-picture na parang hindi bagay sa isang basketbolistang tulad niya.

Sinabi ni Kris na hindi makontak ng mga abogado ang ama ng kanyang anak na si Bimby noong Araw ng mga Ama at magpapatunay dito ang text messages niya nga sa mga abogado nito. Hapon na raw nag-reply ang mga ito at hindi pa mahanap si James. Eh kung nasa Italy nga si James, hindi nga agad makakasagot ‘yun.

So asahan natin na sasagot ang kampo ni James dito dahil maraming sinabi si Kris na tiyak na ikawiwindang ng kampo ng basketbolista.

Suot ni Shaina hindi coordinated ang mga kulay

Uso ba ‘yung pare-parehong printed ang suot mo kahit hindi coordina­ted ang color combination? Ganun ang get up ni Shaina Magdayao sa Bandila nang mag-guest siya sa Ikaw Na portion ni Tito Boy Abunda last Tuesday night.

As in ‘yung suot niyang blazer, combination ng black and white na iba rin ang print sa sleeve. At iba rin ang color combination ng kanyang leggings na suot.

Hmmm, hindi masyadong kagandahan. Nag-experiment lang siguro si Shaina sa sinuot niyang ‘yun.

Rafael maalaga sa katawan

Inilunsad si Rafael Rossel bilang bagong endorser ng Nisce Skin ‘n Face, a beauty and wellness chain. Siya ang magre-represent sa Blaise Skin Care, ang kanilang mga produkto na para sa mga kala­lakihan.

“We really believe that Rafael is the perfect endorser for Blaise products. He enjoys an active lifestyle yet still very mindful of his hygiene and of course his skin. He has the masculine charm that captures every woman’s eyes effortlessly,” sabi ng chief aesthetician ng Nisce na si Ms. Marie Antoinette.

Kaya naman nagpapasalamat si Rafael. “I feel honored,” sabi sa launching ng mga produktong ini-endorso niya.

Ayon pa kay Rafael, “it’s not about vanity but about proper skin care. Gentleman like women deserve the prize of radiance. In fact, men have more sensitive skin than women.”

Ang Blaise Skin Care ay merong facial scrub, toner and clarifying lotion, shaving cream, anti-perspirant deo­dorant and after shave.

John Lloyd pasok sa pelikula nina Richard at Dawn

Kasama pala si John Lloyd Cruz sa balik-tambalang pelikula nina Richard Gomez at Dawn Zulueta. Meaning hindi nga agad masusundan ang pelikula nila ni Sarah Geronimo na It Takes a Man and a Woman.

Marami pa naman sanang naghihintay kahit sinabi nilang huling tambalan na nila ‘yun.

Bukod kay John Lloyd kasama rin sa movie nina Goma at Dawn na wala pang title si Jessy Mendiola.

 

Show comments