SEEN: Na-delay ang pagdating kahapon ni Atty. Francis Tolentino sa announcement ng eight official entries ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013 dahil sa meeting nila ni P-Noy sa Malacañang Palace.
Halos tatlong oras na naghintay kay Chairman Tolentino ang mga invited guest sa joint presscon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at MMFF executive committee.
SCENE: Ang walong official entries sa Metro Manila Film Festival 2013:
1. Philippine Film Studio Inc. 10,000 Hours starring Robin Padilla
2. Hubo Productions - San Pedro Calungsod, Batang Martir starring JM De Guzman
3. Viva Films at Star Cinema - Boy, Girl, Bakla, Tomboy starring Vice Ganda at Maricel Soriano
4. ABS-CBN Film Productions - Be Careful with My Heart starring Richard Yap at Jodi Sta. Maria
5. ABS-CBN Film Productions, Skylight Films, at Regal Entertainment, Inc. – Pagpag starring Daniel Padilla and Kathryn Bernardo
6. Spring Films, Inc. - Kimmy Dora Prequel starring Piolo Pascual at Eugene Domingo
7. Imus Productions, Inc. - My Super Kap starring Bong Revilla, Jr. and Toni Gonzaga
8. OctoArts, MZET, APT, and Kris Aquino Prod - Torky and My Little Bossing starring Vic Sotto at Kris Aquino.
SEEN: Hindi itinuloy ni Kris Aquino ang kanyang press release na hihinto na siya sa showbiz dahil sa MMFF movie na gagawin nila ni Vic Sotto.
Na-link si Kris kay Vic noong dalaga pa siya pero sikreto ang kanilang special friendship.
SEEN: Ang television remake ng Galema ang next project ni Sunshine Cruz sa ABS-CBN. Hindi pa tapos ang mga taping ni Sunshine para sa Dugong Buhay.
SCENE: Pinupuri ang acting ni Chanda Romero bilang maunawain na ina ni Dennis Trillo sa My Husband’s Lover ng GMA 7.
SEEN: Bumalik kahapon sa Pilipinas si Richard Gutierrez mula sa kanyang bakasyon sa Switzerland. Dinalaw ni Richard sa Switzerland ang kanyang girlfriend na si Sarah Lahbati.
SCENE: Ang report ng Box Office Mojo sa mga pelikula na ipinalabas sa mga sinehan sa Pilipinas noong June 5 hanggang June 9.