Nalungkot ang fans nang malaman nila na walang Shake, Rattle & Roll movie na kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013.
Hindi raw kumpleto ang Pasko at ang MMFF dahil hindi nagsali ng franchise ng Shake, Rattle & Roll ang Regal Films/Entertainment, Inc.
Hindi rin pinalad ang Ibong Adarna na maging official entry. Hoping pa naman si Rocco Nacino na magkakaroon ito ng pelikula sa MMFF na siya ang bida.
Walang pelikula na kasali sa MMFF si AiAi Delas Alas. Isa lang ang ibig sabihin nito, tuloy ang showing ng Kung Fu Divas sa October. Ang Kung Fu Divas ang comedy movie na pinagbibidahan nina AiAi at Marian Rivera.
Marami ang nag-suggest sa produ ng Kung Fu Divas na isali ito sa MMFF dahil siguradong pipilahan sa takilya ang kanilang project. May ibang plano ang mga produ kaya dinedma nila ang mga suggestion.
Luis naglakad sa EDSA sa kasagsagan ng baha para makauwi lang
Naaliw ako sa kuwento na naglakad sa EDSA si Luis Manzano noong Lunes ng gabi dahil sa OA na trapik doon at malakas na buhos ng ulan.
Ipinakita ni Luis na hindi ito iba sa mga ordinarÂyong Pilipino at wala siyang kaarte-arte sa katawan. May kalayuan din ang nilakad ni Luis mula sa RoÂbinsons Galleria hanggang sa bahay nila sa Greenmeadows.
Isa lamang si Luis sa libu-libong mga kababayan natin na naperwisyo ng trapik at baha noong Lunes.
Marami ang stranded, sinagasa ang ulan at baha, bago sila nakauwi sa kanilang mga tahanan.
Sinehan parang may waterfalls nang tumulo ang bubong
Nakakaloka ang kuwento na tumutulo sa loob ng sinehan ng isang mall. Mahirap i-deny ang balita dahil mabilis na kumalat sa social media ang leaking roof ng sinehan.
Hindi basta pagtulo ng ulan ang naranasan ng moviegoers dahil parang waterfalls ang pagbuhos ng tubig. Ni-refund ng theater management ang ibinayad ng mga tao at nagbigay rin sila ng complimentary tickets.
Mahirap kontrolin ang pagkalat sa social media ng litrato ng leaking roof dahil may mga cell phone camera ang lahat ng mga tao na active sa Twitter at Facebook.
Tapings dusa sa masungit na panahon, mga script ng teleserye biglang nire-rewrite
Apektado ng masungit na panahon ang mga taping ng mga teleserye. Indoors na ang lahat ng taping ng mga eksena or else walang mapapanood sa TV.
May mga taping na na-pack up kaya dusa ang mga artista at production crew dahil nangangahulugan ito nang maghapon at magdamagan na taping sa mga susunod na araw.
Siyempre, dusa rin ang mga scriptwriter dahil wala silang choice kundi i-rewrite ang mga script ng kanilang mga teleserye. Kailangan nila na mag-adjust sa maulan na panahon na mararanasan daw hanggang sa Biyernes.
Martin bumati kina Regine at Ogie kahit katapat ang show
Very nice si Martin Nievera dahil nag-congratulate siya kay Christian Bautista at sa mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez na part ng bagong Sunday noontime show ng GMA 7, ang Sunday All Stars.
Walang kaso kay Martin kung katapat ng ASAP 18 ang SAS dahil mga kaibigan niya sina Christian, Regine, at Ogie. Hindi uso kay Martin ang network war.