^

PSN Showbiz

Negosyong namemerwisyo ng mga kapitbahay, iimbestigahan ni Karen

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Walang masama sa pagnenegosyo para kumita ng pera, ngunit paano kung ang pinagkakakitaan mo ay isang malaking perwisyo na sa mga kapitbahay mo?

Ngayong Hunyo 18 sa Pinoy True Stories: Engkwentro, iimbestigahan ni Karen Davila ang negosyong babuyan ni Erlinda at ng kanyang mister na inirereklamo na ng mga kapitbahay dahil sa masangsang na amoy at duming nanggagaling dito na nagdudulot daw ng sakit sa mga bata sa kanilang lugar.

Hindi na raw matiis ng mga kapitbahay ang perwisyo ng babuyan dahil nakadikit na umano sa mga ilong nila ang amoy nito. Napipilitan din silang gumastos para sa pagpapagamot ng mga anak na dati’y malusog pero ngayon ay hikain na.

Gusto tuloy ng mga kapitbahay, ipasara ang babuyan ni Erlinda. Tutol ang may-ari rito dahil hindi lamang siya ang may babuyan sa kanilang lugar. Sa pananaw ni Erlinda, hindi lang siya ang dapat pagdiskitahan. Kung ipapasara umano ang kanyang negosyo, dapat ipasara rin ang babuyan ng iba.

Sa ganitong sitwasyon, kaninong katuwiran ang mananaig, ang negosyanteng nais maghanapbuhay o ang mga naagrabyadong kapitbahay? Mapapasara kaya ang babuyan o madadaan ang lahat sa kompromiso at usapan?

Mapapanood ito ngayong araw sa ABS-CBN, 4:45 p.m., sa Kapamilya Gold.

BABUYAN

ENGKWENTRO

ERLINDA

KAPAMILYA GOLD

KAREN DAVILA

MAPAPANOOD

MAPAPASARA

NGAYONG HUNYO

PINOY TRUE STORIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with