Katatapos pa lamang magdiwang ng kanilang Âunang anibersaryo bilang magkasintahan nina Angel Locsin at Phil Younghusband. Sinorpresa ng aktres ang boyfriend nang pumunta siya sa Singapore kamakailan para panoorin ang game ng football superstar.
“Nag-surprise siya sa akin. Nanood siya ng game ko sa Singapore. Then we just had a nice dinner,†kuwento ni Phil.
Wala pang planong magpakasal ang magkasintahan sa ngayon pero ipinangako ni Phil na ipapaalam daw niya kaagad sa ama ni Angel kung sakaling mangyayari na ito.
“We’re very close. He gives me a lot of advice — about my professional career, my personal life. He makes me feel welcome into the family. To have someone like that I’m very lucky,†pagtatapat ni Phil.
Ikinagulat naman ni Angel ang naging pahayag na ito ng kasintahan sa The Buzz. “Nagugulat talaga ako, lagi siyang may pasabog. ’Tapos laging lamang kaysa sa akin. Mas sweet kasi siya sa ’kin eh. Ako lagi talagang effort pero lagi pa rin akong talo (sa sweetness). Lagi akong nagpapatulong, ano ba ang puwedeng iregalo kasi lagi akong kulelat ’pag regaluhan?†nakangiting pahayag ni Angel.
Naikuwento rin ng aktres kung gaano kalapit sa isa’t isa si Phil at ang kanyang Daddy.
“Pareho silang athletic. Pareho silang mahilig sa sports. Si Daddy kasi sports director before. Asian gamer din so, meron silang mga salita na sila lang nakakaintindi. ’Di ako nakakasingit talaga, minsan na-O-O.P. (out of place) ako,†natatawang kuwento ng aktres.
Samantala, isa si Angel sa mga bida ng pelikulang 4 Sisters and A Wedding ng Star Cinema na mapapanood na sa mga sinehan sa June 26.
Khalil walang selos kina Julian at Julia
Matagal nang malapit na magkaibigan sina Julia Barretto at Khalil Ramos. Magkasabay ding inilunsad ang dalawa bilang miyembro ng Star Magic batch 2013 kamakailan. Ngayon ay napapabalitang nililigawan ng kasamahan din nila sa Star Magic na si Julian Estrada si Julia. Wala namang dapat ikaÂselos si Khalil sa kung anumang namamagitan kina Julian at Julia.
“Focused muna ako sa acting. I’m only seventeen. Marami pa akong pagdadaanan. Kay Julian we’re friends. Hindi naman porke’t gano’n wala na. Hindi na kami nag-uusap. Even though we have a busy schedule we get to see each other. Walang nag-aaway,†paliwanag ni Khalil.
Gusto muna ng binata na mag-focus sa kanyang career sa ngayon. Abala si Khalil sa teleseryeng Annaliza at umaasang makakagawa rin ng isang album ngayong taon.
“I want to do both. Of course I need more improvement when it comes to acting. Ever since I was a kid I really want to be a total performer. Sana magtuluy-tuloy lang ’yung pagpasok ng opportunities pagdating sa career,†giit ni Khalil.
Reports from JAMES C. CANTOS