Mamayang gabi na magsisimula ang pinaÂkabaÂgong teleÂserye ng Kapamilya Network na HuÂwag Ka Lang MaÂwawala. Tampok sa nasabing proyekto sina Judy Ann Santos, Sam Milby, at KC Concepcion. Ito raw ang kauna-unahang pagganap ni KC bilang isang kontrabida.
“Naku! Hindi na ako mapakali kasi ang tagal-tagal na nito. This has been nine months in the making or even more. Talagang pinapaganda ng mga direktor namin ’yung teleserye,†bungad ni KC.
Kaabang-abang ang bawat eksena ni KC dahil ayon sa aktres ay ibang-iba ang emosyon kapag kontrabida ka.
“Siguro nagpakatotoo lang ako sa sarili ko. ’Yung emosyon kasi ng tao, si Alexis (karakter ni KC) kasi totoong tao siya eh. Hindi siya nagsu-sugarcoat. Hindi siya goody-goody. So, kung ano ’yung nararamdaman niya, ilalabas niya ’yun. Ipapakita niya ’yun sa viewers, sa mga nanonood. So, maganda lang’ yung piÂnagÂdaanan niya in terms of lahat. Ina-allow niya ’yung sarili niyang maramdaman lahat ’yun,†paliwanag ni KC.
Kahit medyo daring na ang mga ginagawa ng dalaga ngayon ay wala pa namang nagbabago sa kanyang tunay na pagkatao.
“Siguro ipapakita naming ’yung role na daring na hindi typical na daring na iniisip ng tao. Hindi siya ’yung daring na masyado nang X rated ’yung pagka-daring in a way. And I wouldn’t do that also. Ako pa rin ito, si KC pa rin ito, so, hindi rin naman ako papayag sa sarili ko na masyado na akong mag-explore na hindi na nakaka-ako kasi natuto na rin ako na you can be a risk taker. You can be open to trying new things pero you have to still be yourself and be true to yourself,†giit pa niya.
Kaabang-abang din ang kissing scenes nina KC at Sam sa bagong serye nila.
Toni ipinagluluto na ng madalas ang boyfriend
Pinaghandaan ni Toni Gonzaga ang kanyang kauna-unahang cooking show na KuwenÂtong Buhay, Kwentong Kusina. Mapapanood na ang nasabing palabas sa June 23, 9:30 a.m.
“I think lahat naman siguro ng babae gustong matutong magluto. Not that I want to have a family already but because it’s something na hinahanap ko rin as babae. I was given the chance to have a crash course last year sa baking and cooking. Konting-konti pa naman ang kaalaman ko,†nakangiting pahayag ni Toni.
Naibahagi rin ng aktres na naipagluluto na rin niya minsan ang kasintahang si Direk Paul Soriano.
“Mahilig kasi ’yun sa Mexican food, mga tacos, hindi naman niluluto ang tacos. Niluto ko for him mga soup pa lang, garlic pasta, ’yun pa lang naman,†kuwento ni Toni.
Masayang-masaya ang dalaga sa kanyang bagong programa dahil marami siyang natututunan pagdating sa kusina at pagluluto.
“As we go on ang dami kong natututunan. Natutunan ko magluto ng kare-kare, sulipan style. Malalaman n’yo ’yung ibig sabihin ng sulipan,†pagtatapos ng dalaga.
Reports from JAMES C. CANTOS