Small but terrible ngayon sa AHA!

MANILA, Philippines - May mga maliliit na bagay na kung minsan ay mas kahanga-hanga pa at mas nakabibilib. Ngayong Linggo, dadalhin kayo ni Drew Arellano sa isang science adventure sa mundo ng mga maliliit!

Pagkaliit-liit man ng mga langgam, nakaka-wow naman ang kanilang sipag at bangis. Nadiskubre kamakailan sa Pilipinas ang isang bagong uri ng langgam—ang ’pirate ant’ na siyang binubusisi ngayon ng mga German scientist.

Alamin kung anu-ano ang katangian ng mga piratang langgam, pati na rin ang nakakamangha at kakaibang ant collection ni Mikey Bustos.

Ang mga taong isinilang na may dwarfism ay ipinaglihi ba sa dwende kaya hindi na lumaki? Ano ba talaga ang kundisyong ito?  Kilalanin ang ilang ‘little people’ na hindi nagpapahuli dahil kulang man sa taas, ay nag-uumapaw naman sa galing at talento.

Makita kaya ni Drew ang mukha niya sa portrait niya na isang pulgada lang ang laki? At ano nga ba talaga ang microchip? Sumilip na sa mundo ng sining at siyensya ngayong Linggo sa AHA. Wala na ring atrasan sa hamon na ibibigay ni Rocco Nacino.

Panoorin ang episode na Small but terrible ngayong Linggo sa AHA!, 9:00 ng umaga sa GMA.

Show comments