Salamat Dok may pang-father’s day

MANILA, Philippines - Hindi lang ang mga babae ngayon ang mahilig mag-asikaso ng mga sarili. Vain na rin ang ibang lalaki! Siyempre tulad ng mga babae, may ayaw magkaroon ng  age spots, unwanted sagging, pimples, at kahit konting taba.

Kaya ngayong Father’s Day ay may espesyal na trato rin sa mga lalaki ang Salamat Dok. Si Dr. Vicki Belo mismo ang magpapakita ng tatlong klase ng treatments para sa mga tatay o kahit sa mga magkakapatid na lalaki rin.

Ang una ay ang INARA treatment for acne ng Belo Medical Group. Tinatanggal nito ang bacteria sa ilalim na layer ng mukha at pinipigilang maging oily ang balat.

Ang ikalawa ay ang tinatawag na Belo Acupuncture Facial. Ang special guest ni Dr. Belo na si Chef Buddy Trinidad ng Park Avenue Desserts ang makakapagpa-sample ng relaxing na procedure para ma-stimulate ang blood flow sa kanyang mukha. Maganda ito sa maayos na sirkulasyon ng dugo at nakaka-improve ng muscle tone sa treatment area kaya nata-target din ang pigmentation at dark spots at nakaka-detoxify pa. 

At ang pinakahuli ay ang live demonstration ng Freeze Treatment para sa abdomen o abs. Isa itong procedure na tumutunaw sa taba sa problem area at mas mapapasikip pa ang balat. Kaya huwag mag-alala sa papala­king beer belly!

Tune in na sa Salamat Dok ngayong Linggo, 7:30 a.m., sa ABS-CBN at sa ANC.

Show comments