GMA, big winner sa 2013 Tambuli Awards
MANILA, Philippines - Namayagpag sa nakaraang 2013 University of Asia and the Pacific (UA&P) Tambuli Awards: 7th Asia-Pacific IMC Effectiveness and Values Awards ang GMA Network, Inc. sa pangunguna ng sales and marketing arm nito na GMA Marketing and Productions, Inc. (GMPI) matapos na mag-uwi ng pinaka-maraming awards kumpara sa ibang TV network.
Nagkamit ng apat na pagkilala ang GMA kabilang ang isang Gold Award para sa nakakaantig na Christmas short film na Hating Kapatid sa Family OrienÂted Brand category.
Nagwagi naman ang dalawang Kapuso Mini Sine ng GMA—ang Aruga at Gustin—ng Silver at Bronze Award sa magkaibang kategorya.
Samantala, ang Christmas Short Films ng Kapuso Network ay nanalo rin ng Bronze Award sa Integrated Branded Content and Entertainment category. Pitong taon na itong umeere tuwing Disyembre at mas lalo pa itong nagiging kaabang-abang bawat taon.
Bukod sa mga nasabing pagkilala, umani rin ng papuri sa mga social media websites ang GMA para sa mga makabuluhan nitong marketing campaigns. Kaya naman taos puso ang pasasalamat ng pamunuan ng GMPI sa patuloy na suporta ng mga manonood at sa mga kaakibat nito sa industriya.
“We thank our advertiser clients and agencies for continuously supporting GMPI,†pahayag ni GMA Marketing and Productions President and COO Lizelle G. Maralag. “These awards inspire us to create even more values-oriented advertising materials, while imparting the message that selling products and promoting positive values can be done at the same time.â€
- Latest