PIK: Riot ang espesyal na episode ngayon sa Sarap Diva dahil special guest si Regine Velasquez sa tahanan ni Pauleen Luna.
Nag-prepare si Pauleen ng Picadillo at Grilled Steak sandwich pero naloka ang young actress/TV host nang sumali sa usapan at kainan ang manager nitong si Manay Lolit Solis.
Umaatikabong intrigahan at kantiyawan ang nangyari.
Pero ang isa sa na-enjoy ni Regine ay nang iniÂkot siya ni Pauleen sa kanyang three-storey house na ipinatayo.
PAK: Hindi nasipot nina Annabelle Rama at Nadia Montenegro ang pag-submit nila ng Motion to Dismiss sa QC-RTC kahapon.
Ang mga abogado nila ang dumalo at nag-submit ng naturang motion para iurong ang mga kasong naisampa sa isa’t isa.
Inurong ni Nadia ang 21 cases na isinampa laban kay Tita Annabelle at may tatlong kaso naman ang huli na naisampa laban kay Nadia na inurong na rin nito.
Tumatanggi si Tita Annabelle na magpa-interview, pero nagpahayag naman si Nadia na okay na okay na raw sila. Hindi pa raw ganun kadali na mabalik ang dating friendship pero kapag nag-uusap sila ay parang dati lang na walang pinagdaanang away.
BOOM: Masasaya na ang mga ipinu-post ni Daiana Menezes sa kanyang Instagram dahil okay na pala sila ng asawa niyang si Cong. Benjo Benaldo.
Hiningan namin ng reaksiyon si Daiana sa inilabas na apology ni Cong. Benjo pero tumanggi pa rin ito at ayaw na niyang magsalita.
Nag-text lang ito sa amin; “Since there’s a statement as of now, this is the most we can do.â€
Marami ang nag-alok ng tulong sa kanya kung gusto nitong magsampa ng demanda laban sa asawa, pero wala pang sinasagot si Daiana sa mga ito.
Kahit si Sen. Jinggoy Estrada ay nagparaÂting din ng tulong kay Daiana na kung gusto nitong umaÂbot sa korte ang reklamo niya laban kay Cong. Benaldo.
Pahayag ni Sen. Jinggoy, “Wala akong kinaÂkampihan, idemanda niya kung kinakailangan niyang idemanda. My office is here to help her legally.â€