Bukas ay ipagdiriwang sa buong bansa ang Father’s Day. Gusto raw gawing espesyal ni Piolo Pascual ang selebrasyong ito para sa kanyang anak na si Iñigo.
“Hopefully after ASAP, for sure I want to make it special for him, para sa kanya ‘yun. Wala naman akong ibang anak,†makahulugang pahayag ni ÂPiolo.
Kasalukuyang nasa bansa ngayon ang anak ng aktor. Halos araw-araw ay hindi na raw naghihiwalay ang mag-ama dahil palagi silang magkasama kahit saan pumunta si Piolo.
“He’s here for a vacation so everywhere I go, nagkakahiwalay lang ‘pag magbabanyo lang. Para kaming anino ng isa’t isa. This is the time to bond and make up for the lost time kasi he’s in the States. Talagang everything that we do, kahit may contract signing ako, may meeting ako, may taping ako, magkasama kami. He’s always with me,†nakangiting kuwento ni Piolo.
Gusto na rin daw mag-artista ni Inigo pero mayroong kondisyon ang aktor sa kanyang anak. “Our only deal is for him to finish high school pero meron kaming usapan na he wants to get in college and take up Performing Arts. Kapag 18 (years old) naman na ‘yan, ‘di mo na mapipigilan ‘yan eh. I wanted him to finish college first so he’ll have a degree, something to fall back on and iba ‘yung kahit paano may knowledge ka,†paliwanag ng aktor.
Yeng natatameme kay Bamboo
Ngayon pa lamang ay kinakabahan na si Yeng Constantino para sa pagsasanib puwersa nila ni Bamboo sa By Request concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa August 17.
“Ninenerbiyos ako pero kasabay ng nerbiyos, excited at saka masaya. I’m really honored na ma-pair sa kanya in a concert and gusto ko lang gawin ‘yung best ko hindi lang para may ma-prove ako kundi para mapasaya rin ‘yung mga tagahanga at taga-suporta namin,†bungad ni Yeng.
Aminado rin ang dalaga na matagal na siyang tagahanga ni Bambsoo.
“Sobra, hindi lang ako pati ‘yung band namin. Bawat bagong kanta, gandang-ganda kami. Ang astig talaga niya. Tapos naging endorser pa kami ng isang soft drink so nakakasama ako minsan sa gig, tapos nauuna akong mag-perform. Kahit tapos na akong tumugtog, mag-stay ako sa backstage just to watch him. Alam mo na alam niya ‘yung ginagawa niya eh. Alam mo na mahal niya ‘yung ginagawa niya and he’s very passionate kung ano ‘yung ginagawa niya and you just want to be like that,†paliwanag ng Rock Princess.
“Gusto ko na maging super friends kami pero nahihiya pa rin ako kapag may meeting. Natatameme pa rin ako minsan. Sobrang bait niya,†giit pa ng singer. -Reports from JAMES C. CANTOS