Lovi mas masaya na walang lalaki!

Lilipat na any moment sa kanyang nabiling townhouse si Lovi Poe. Ang room na lang niya ang inaayos at malilipatan na niya ang bagong bahay.

Three floors ang nasabing townhouse at sariling-sarili niya ito. Dalawang maid lang ang makakasama niya sa paglipat.

Nakapamili na siya ng mga bagong gamit – classic-modern ang theme at pinasadya niya ang mga ilalagay na furnitures.

Ang 3rd floor ang magiging room niya at sa second floor ang lahat ng mga damit, sapatos, bags, at iba pang personal things. At sa first floor ang living room area, dining, and kitchen. Nag-share sila ng interior decorator ni Heart Evangelista na kakalipat din ng bahay.

Tulad ng marami, pina-feng shui rin niya ang binili niyang bahay.

Magaan ang pakiramdam niya sa nasabing lugar at marami ring artista ang nakatira kaya ito ang pinili niyang lugar.

Kaya hindi na niya magiging kapitbahay si Jake Cuenca na ka-building niya sa kasalukuyan sa isang condo.

Samantala, kahapon lang nagkaroon ng story conference ang gagawin niyang teleserye sa GMA 7 matapos siyang muling pumirma ng tatlong taong kontrata. Definite na makakasama niya sina Cesar Montano, Rocco Nacino, and Solenn Heussaff. Si Direk Laurice Guillen ang hahawak ng pagbabalik-primetime niya sa Kapuso Network. Hanggang Ngayon ang working title.

Matagal-tagal din siyang namahinga sa serye. Huli siyang napanood  sa Yesterday’s Bride na napanood sa panghapon na slot.

Samantala, tikom talaga ang bibig ni Lovi pagdating sa kanyang love life. More than a year na nga namang wala siyang boyfriend matapos silang maghiwalay ni Cong. Ronald Singson. Kahit ang sinasabing tungkol sa kanila ni Jake Cuenca ay walang masabi ang award winning actress.

Mas type na niya ngayon ang walang boyfriend at mas abala siya sa trabaho niya at pag-aayos ng lilipatang bahay.

Bukod sa teleserye sa GMA, may mga pelikula siyang ginagawa – ang indie film na Lihis at ang Sana Dati na kasali sa Cinemalaya.

At sa Sunday magkakaroon si Lovi ng launching (Trinoma, 5:30 p.m.) bilang endorser ng Bench Celebrity Scent Love Affair. Available ang Love Affair in classy Eau De Toilette and handy deo Body Spray variants. In fairness, ang sosyal ang amoy ng pabangong ini-endorso niya. 

At nang tanungin kung nagkita na ba uli sila ng kapatid niyang si now Senator Grace Poe, hindi pa raw. ‘Yung last na pagkikita nila ay noong bago mag-election kung saan nag-lunch sila kasama ang pamilya ng kanyang ate Grace at ang magkarelasyong sina Sen. Chiz Escudero at best friend niyang si Heart.

Khalil at Sue biglang nagswak ang tambalan

Marami ngayong kinikilig-kilig sa tambalan ng Kapamilya teen stars na sina Khalil Ramos at Sue Ramirez sa top-rating family drama na Annaliza.

As in, unang pagtitinginan pa lang ng kanilang mga karak­ter na sina Jeric at Luisa ay mainit na agad itong tinanggap ng fans at agad silang nakitaan ng chemistry.

Inamin naman ni Khalil na masaya at kumpor­table siya katrabaho si Sue kaya naman effortless ang ipinapamalas nilang kilig on screen. “Masa­yang makatrabaho si Sue dahil magaling po siyang artista. Walang hassle at free flowing lang kami sa taping,” sabi ni Khalil.

 â€œSobrang nakakaoverwhelm po. Khalil and I were not close before so nakakatuwa na tinanggap nila kami. Very unexpected,” sabi naman ni Sue.

Ginagampanan ni Khalil ang papel ni Jeric, isang rocker heartthrob at kapatid ni Isabel (Denise Laurel), habang si Sue naman ay si Luisa, tagahanga ni Jeric at kapatid ni Stella (Kaye Abad).

Uusbong ang magandang pagkakaibigan sa pagitan nilang dalawa. Ngunit paano kaya maapektuhan ang kanilang relasyon kapag nalaman nila ang tunay na namagitan noon sa kanilang mga kapatid na sina Stella at Isabel?

Anyway, mula Hunyo 3 hanggang Hunyo 7, panalo ang Annaliza sa average national TV ratings  na 17.5 % base sa datos ng Kantar Media.

Show comments