MANILA, Philippines - Ngayong Sabado, tunghayan ang isang kuwento ng tunay na pagmamahal na pinangungunahan ng mga de-kalibreng artista na sina Glaiza de Castro, TJ Trinidad at Gerald Madrid sa Wagas.
Taong 1963 sa Cotabato nang ma-“love at first sight†ang male clerk sa bangko na si Kadil sa kliyente nilang si Bai.
Maraming manliligaw noon si Bai, kabilang na si Amir na mula sa isang maimpluwensyang pamilya sa Mindanao. Sa itsura, talino at yaman, tila walang dahilan si Bai para hindi magustuhan si Amir, lalo na’t botong-boto rin dito ang kanyang mga magulang.
Subalit ang kabaitan, pagiging simple at totoong tao ni Kadil ang mas nagustuhan ni Bai. Kaya naman lahat ay ginawa ni Amir para pigilan ang pagiging mas malapit ng dalawa. Kasama na rito ang mistulang pagbabanta sa buhay ng karibal na si Kadil. Magpapasindak kaya si Kadil sa pananakot ni Amir? Susunod na lang si Bai sa hiling ng kanyang mga magulang? Ano pang gagawin ni Amir para siya ang piliin ni Bai?
Mula sa panulat ni Danzen Santos at direksiyon ni Rember Gelera, abangan ang kakaibang kuwentong pag-ibig na ito nina Bai at Kadil Sulaik sa Wagas ngayong Sabado, June 15, 7pm sa GMA News TV.