MANILA, Philippines - Lalong umiinit ang tensiyong nararamdaman ng mga miyembro ng pamilya nina Celyn (Kim Chiu) at Margaux (Maja Salvador) sa pagtatapos ng consistent top-rating na Ina Kapatid Anak. Ngayong nagsanib-pwersa na sina Mio (John Regala), Lucas (Eddie Gutierrez), at Diego (Alex Medina), paano makakamit nina Celyn, Margaux, Beatrice (Janice de Belen), at Teresa (Cherry Pie Picache) ang pinaka-aasam nilang katahimikan para sa kanilang pamilya?
Kailangan pa bang may magbuwis ng sariling buhay para matapos ang lahat ng kasamaan?
Sa pagtindi ng mga plano ni Mio laban kay Teresa, kakayanin pa ba ng konsensiya ni Diego na ilagay sa peligro ang buhay ng kanyang tunay na pamilya?
Ngayong hanggang Biyernes na lang ang IKA, malamang din na nabunutan na ng tinik sina Kim at Maja na halatang-halata naman na hindi na gustong makatrabaho ang isa’t isa.
Actually, parang mas mabigat sa part ni Kim dahil hindi talaga niya magawang tingnan si Maja kahit magkasama sila. Unless eklay lang ang ginagawa nilang isnaban para lalong pag-usapan ang pagtatapos ng IKA.