Angel type ang pagka-boyish!

Gusto ni Angel Locsin ang role niyang si Alex Salazar sa Star Cinema movie na Four Sisters and a Wedding dahil malapit sa kanya — masipag magtrabaho at may pagka-boyish.

Pang-apat na pelikula pa lang sa Star Cinema ni Angel ang nasabing pelikula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina at showing sa June 26. Thankful siya sa Star Cinema dahil ang daming pintuan ang nabuksan sa kanya sa apat na pelikula niya. 

Samantala, nagpahayag ng lungkot si Angel na wala na sa Toda Max si Robin Padilla, nami-miss nilang lahat ang aktor. Sabi pa nito, kaya niya tinanggap ang project ay dahil kay Robin. Hindi alam ni Angel kung bakit hindi na nagre-report sa taping si Robin, sana raw bumalik na ito.

Christian hindi nahiyang ipagsabi na nag-audition sa kanyang serye

Hindi nahiyang inamin ni Christian Bautista na nag-audition siya sa With a Smile at thankful na nakapasa siya sa panlasa ni Direk Louie Ignacio at production staff ng rom-com series na magsisimula na sa June 17 ng 10:15 a.m.

Hindi lang ini-expect ni Christian na sa kanya mapupunta ang role ni Aston dahil ang usapan nila ni Mikael Daez, siya ang gaganap sa role ni Dean at si Mikael si Aston pero ang role ni Dean ang napunta kay Mikael.

Napa-“wow” daw siya nang malamang nakapasa siya sa audition.

Aminado si Christian na na­tuwa siya na hindi nila katapat ang Be Careful With My Heart ng ABS-CBN at the same time, kabado dahil bagong time slot ang bubuksan nila. Very light ang tema ng With a Smile at puwede raw pala ang soap na walang patayan and, hopefully, walang kidnapan. Hahaha!

Also, sineseryoso ni Christian ang pagiging team leader sa Sunday All Stars na ilo-launch sa June 17. Siya ang leader ng Tean InstaGang at members niya sina Glaiza de Castro, Solenn Heussaff, Kristoffer Martin, Bea Binene, Jake Vargas, Wynwin Marquez, Rafael Rosell, Jay R, at Gian Magdangal.

Aktres sineryoso ang ‘patawa’ ng sikat na aktres

  Lagot sa fans ng isang sikat na aktres ang isang aktres na pinatulan ang parody Twitter account ng una. Nag-tweet ang may hawak ng parody account ng sikat na aktres at binati ang aktres na magandang araw ng kalayaan kahapon at binigyan siya kunwari ng susi para makalabas ng banyo.

   Nag-tweet ang aktres ng “Ay nakalabas na ako 3 years na.”

Bagay na hindi nagustuhan ng fans ng sikat na aktres. Hindi na raw dapat pinatulan ng aktres ang tweet dahil matagal na at nakalimutan na, pero sa ginawa niya, mabubuksan uli ang kontrobersiya.

   Sana lang, maintindihan ng fans ng mas sikat na aktres na nagbibiro lang sa kanyang tweet ang aktres. In fairness, ‘pag natatanong ito sa nangyari sa kanila ng mas sikat na aktres ay hindi na sinasagot.

Dingdong tuloy na ang bagong show sa GMA

  Kakuwentuhan namin si Perry Lansigan, manager ni Dingdong Dantes sa premiere night ng Dance of the Steel Bars. Kasama pala siya ng aktor nang mag-shooting sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center. Isa sa pinakamahirap na eksena ay ’yung ending, kung saan, sumabay magsayaw si Dingdong sa inmates.

  Mahirap dahil maraming involved sa eksena pero nang mapanood namin, ang ganda-ganda ng kuha nila. Parang hindi nahirapan sina Direk Marnie Manicad at Cesar Apolinario.

  Nalaman namin kay Perry na this June na sisimulan ni Dingdong ang taping ng bagong soap nito sa GMA 7 na may pamagat na Genesis. May halong sci-fi raw ito kaya abangan. May napili na rin na leading lady para kay Dingdong pero bawal pang pangalanan at kahit clue ay bawal magbigay.

                                                                   

Show comments