KC masusubukan na ang katapangan!

MANILA, Philippines - Isang matapang at palaban na KC Concepcion ang matutunghayan ng buong sambayanan sa upcoming teleserye ng ABS-CBN na Huwag Ka Lang Mawawala.

Aminado naman ang anak ni Megastar Sharon Cuneta na nagdalawang-isip siya noong una niyang tatanggapin ang proyekto kasama ang Queen of Pinoy Soap Opera na si Judy Ann Santos at Kapamilya leading man na si Sam Milby.

“Nung umpisa hindi ko alam ’yung role ko sa teleserye until tinawagan ako ni Ate Juday para sabihin na tanggapin ko ’yung role bilang kontrabida niya,” sabi ni KC.

“Hindi ko kasi alam kung kakayanin ko ba ’yung ganung kind ng role pero now I’m very happy na tinanggap ko ’yung challenge. Working with Ate Juday has been a very overwhelming experience,” sabi ng Kapamilya actress na mas pinili itong gawin kesa sa pumatok na pelikulang A Secret Affair kasama sina Anne Curtis at Derek Ramsay.

May pagka­kon­trabida rin ang role ni KC sa natu­rang pelikula na napunta kay Andi Eigenmann ang kanyang role.

Dagdag ng Kapamilya actress, isa sa mga hindi niya makakalimutang experience sa Huwag Ka Lang Mawawala ay ang mga eksena na kung saan kinakailangan nilang magsampalan ni Judy Ann.

“May ginawa kaming intense scene na nakakita talaga ako ng stars after niya akong sampalin. Doon ko nakita kung gaano ka-dedicated and committed si Ate Juday sa craft niya, so, nakakahiya kung hindi ko rin ibibigay ’yung one hundred percent ko,” pahayag ni KC.

Bibigyang-buhay ni KC sa serye ang karakter ni Alexis, ang babae na hahadlang sa pag-iibigan nina Anes­sa (Judy Ann) at Eros (Sam). Sina Jerry Sineneng, Tots Sanchez-Mariscal, at Malu Sevilla ang mga direktor ng teleserye.

Speaking of Huwag Kang Mawawala, handang-handa na rin si Sam na gampanan ang isang dark character sa magsisimulang teleserye sa Lunes (Hunyo 17).

 â€œI’m very happy and excited kasi kakaiba ’yung role ko rito. The audience will see a different Sam here compared sa mga character ko before,” pahayag ni Sam.

Gagampanan ni Sam sa serye ang karakter ni Eros Diomedes, isang anak-mayaman na luma­king mainitin ang ulo at may sama ng loob sa ka­­­n­yang dominanteng pamilya. Dahil sa isang utos ng kanyang ama, makikilala at iibig si Eros sa mag-aasin na si Anessa, na gagampanan naman ng Queen of Pinoy Soap Opera.

Ayon kay Sam, isang malaking karangalan para sa kanya ang makatrabaho si Judy Ann sa isang proyekto.

“Hindi man ako lumaki dito sa Pilipinas and kahit na I didn’t get to watch her previous shows I really have to say na magaling talaga si Judy Ann. Sobrang naii-intimidate ako sa kanya tuwing gumagawa kami ng eksena kasi nakaka-amaze talaga ’yung talent niya sa acting.”

Ang Huwag Ka Lang Mawawala ay bahagi ng selebrasyon ng ABS-CBN ng 60 taong ng Philippine Television. Kukumpleto sa cast nito sina KC Concepcion, John Estrada, Tirso Cruz III, Coney Reyes, Mylene Dizon, Empress, Susan Africa, Matet de Leon, Bryan Termulo, at Joseph Marco.

Actor obsessed sa sexy actress na kasama sa serye

Obsessed daw ngayon ang ex-boyfriend ng not so young actress sa isang sexy actress na kasama niya sa isang serye sa kasalukuyan. As in super text daw ang actor sa sexy actress na noong una ay tini-text back naman ni sexy actress. Pero winarningan daw si sexy actress ng mga kasamahan niya sa programa na ’wag patulan ang pagti-text ng actor na galing sa pamilya ng mga artista dahil pinapakita raw nito sa lahat ang text messages ng sexy actress na may ibang meaning na.

So, ang ginawa raw ni sexy actress, hindi na siya nagti-text back kahit anong text ng actor na may edad na rin naman at beterano na sa pakiki­pagrelasyon.                        

Show comments