Christian maingat na sa gf na DJ!
PIK: Nag-trending sa Twitter at ilang social network sites ang pilot episode ng My Husband’s Lover sa GMA Telebabad kamakalawa ng gabi.
Kay Carla Abellana nagsimula ang kuwento at magaling siya rito. Pero mas pinuri ng karamihan si Glydel Mercado na gumanap na ina ni Carla at Karel Marquez.
Moment naman kasi ni Glydel ang episode na iyun, kaya talagang kinarir niya nang husto ang mga eksena niya.
Pero exciting ang mga susunod pa na episodes lalo na ang pagpasok ni Dennis Trillo sa eksena.
Pero pinag-iingat din ng MTRCB ang GMA 7 sa mga eksenang gagawin sa naturang drama series dahil sa maselang tema ng kuwento, kaya tama lang daw na napapanood ito sa medyo late na dahil hindi na ito oras ng mga bata. Dapat na lagyan daw ito lagi ng SPG o Striktong Patnubay at Gabay ng magulang.
PAK: Maingat si Christian Bautista sa pagsagot pagdating sa kanyang love life dahil na-realize raw niyang dapat ay magtira rin daw siya ng something para sa kanyang sarili.
Mas mabuting nasa pribadong bahagi ng buhay daw niya ang love life. Kaya hindi niya masagot kung okay ba ang love life niya o sila pa rin ba ng girlfriend niya.
Sabi ng kilalang ballader; “Sabi ko magpa-pass muna. I’m very sorry, medyo nagbago na kasi ako ng framework.â€
Sa tanong kung hindi ba siya single, “No comment po muna ako sa lahat,†mabilis niyang sagot.
Bilang With a Smile naman ang bagong drama series niya sa GMA 7, tinanong na rin ito kung itong girlfriend ba niya ang nagpapa-smile sa kanya, mabilis naman siyang nag-oo.
BOOM: Hindi umabot si Marian Rivera sa premiere night ng pelikulang Dance of the Steelbars ni Dingdong Dantes na ginanap sa SM Megamall kamakalawa ng gabi.
Pagkatapos ng premiere night ay tumuloy pala ang aktor sa airport para sunduin na si Marian.Â
Pero kahit wala si Marian, hindi pa rin ito nakalimot dahil sinorpresa si Dingdong ng mga EcuaÂdorian roses na pinadala ni Marian sa mismong premiere night.
Ganun sila ka-sweet sa isa’t isa dahil sobÂrang na-miss na nga nila ang isa’t-isa.
- Latest