^

PSN Showbiz

Ito ang latest: Direk Joey Reyes nagtaray daw sa mga baklitang nagpi-feeling sa kanilang programa

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagtaray diumano si Direk Joey Reyes sa dressing room nila sa late night talk show na Ang La­test na napapanood sa TV5.

Kasi ba naman sabi ng source, diumano nairita na si Direk sa mga bagong baklitang kasama nila sa palabas. Ang dalawang baklita na kasama sa isang portion ni Ms. Divine Lee ay kung todo ‘di alalay pa at ang daming dalang mga damit samantalang kung tutuusin daw ay extra lang ang dalawa sa programa.

So nalokah raw si Direk at nag-dialogue na crowded na sila sa dressing room. “Sila nga naman kasi walang mga dalang personal assistant. Driver lang ang kasama niya, si Shalala ganun din,” kuwento ng baklitang may alam sa istorya.

Eh ‘yun daw dalawang baklita na ang papel sa programa ay manlibak lang ng mga artista ay kung kumilos ay parang sila na ang main host ng programa.

Ay ay ito na ba latest?

Pelikula ni Maricel malapit nang ipalabas

Three shooting days na lang pala ang natitira sa pelikulang ginagawa ni Maricel Soriano at Eugene Domingo sa Viva Films at matatapos na ito.

Oh My Mama Mia ang title ng movie na dinirek ni Wenn Deramas.

Ito ang unang project ni Maricel pagkatapos maudlot ang seryeng kasama sana niya si Gerald Anderson sa ABS-CBN.

Sa promo kaya ng Oh My Mama Mia, magsalita na kaya si Marya tungkol sa totoong nangyari sa kanila ni Gerald? Pawang speculations lang kasi ang mga lumabas noon dahil wala namang nagkumpirma sa kanila. Kasama rin sa movie si Andi Eigenmann.

Mike Enriquez nanalong Broadcast Journalist for tv

Kinilala bilang Broadcast Journalist for TV ang GMA News pillar at 24 Oras

co-anchor na si Mike C. Enriquez sa Rotary Club of Manila (RCM) Journa­lism Awards na ginanap noong ika-6 ng Hunyo sa Manila Polo Club.

“Itong mga ganitong award, the Journalism Awards of the Rotary Club of Manila, ang isa sa mga nagbibigay sa atin ng inspirasyon upang lalo pang pagbutihin ang ating trabaho,” ani Enriquez.

Si Enriquez din ang tumatayong Consultant to the Chairman and CEO for Radio Operations ng GMA Network at President ng RGMA Network, Inc. na siyang namamahala ng radio network ng GMA sa mga lalawigan.

Si Enriquez ay kasalukuyang co-anchor ng 24 Oras, kasama ang kapwa GMA News pillar na si Mel Tiangco; host ng public affairs program na Imbes­tigador; at host ng radio program na Saksi Sa Dobol B na maririnig sa DZBB, ang flagship radio station ng GMA.

Isyu ng katomboyan ni Charice, over-over na

Sana matapos na ang isyu sa pagiging tomboy ni Charice. Maging ang awayan nila ng nanay niyang si Raquel ay matapos na rin sana. Sa true lang hindi magandang topic sa TV dahil napapanood ng mga bata.

Tanggap man ng lipunan ang pakikipagrelasyon ng tulad ni Charice pero hindi pa rin normal sa paningin ng marami.

Maging ang awayan nila ng nanay niya ay hindi magandang example sa mga batang nanonood ng TV.

Nagkakaroon sila ng idea na kaya pala ng anak na suwayin ang kanilang mga magulang at makipag-away.

Hindi naman sa nagmamalinis pero naman puwedeng isa o dalawa lang beses silang magsalita pero ‘yung libutin mo ang mga show para ipagduldulan sa tao na may relasyon kayo ng kapwa mo babae at magkakaaway kayo sa pamilya ay parang hindi na makatarungan?

ANDI EIGENMANN

ANG LA

BROADCAST JOURNALIST

CHARICE

DIREK

DIREK JOEY REYES

OH MY MAMA MIA

SI ENRIQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with