^

PSN Showbiz

OMB at PNP nagsanib-puwersa laban sa pamimirata

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Ang Philippine National Police (PNP) at Opti­cal Media Board (OMB) sa pakiki­pagtulungan sa Motion Picture Film Anti-Piracy Council ay nagsanib-puwersa ka­sama ang mga film exhibitor at ibang grupo ng cinema para tiyakin at pagtibayin ang criminal prosecution laban sa Intellectual Pro­perty Rights violators.

Ang Optical Media Board na pinamamahalaan ni Chairman Ronnie Ricketts ay naging lubhang aktibo para masugpo ang pamimirata sa pamamagitan ng illegal na camcording. Kabilang dito ang kampanya sa camcording sa pamamagitan ng flyers at materials na pinama­ma­hagi tuwing may public information drives, dialogues, at student interviews.

Sa pagbisita nila sa mga cinema, ang OMB ay binabantayan ang ‘‘would be” violators ng Philippine Anti-Camcording Act of 2010.

Naging abala rin si Chair Ric­ketts sa anti-piracy campaign sa Metro Manila at mga out-of-town area.

Naging matagumpay ang kampanya nila dahil walang lumabas na pirated tape ng mga pelikulang Star Trek into Darkness lalo na ng Fast and Furious 6. Kahit ang Iron Man 3 ay ’di rin napirata. Nagpapa­salamat ang grupo sa publiko sa pagtulong nila sa movie industry.

Ang Iron Man 3 ay unang ini-release sa Pilipinas bago ito ipalabas sa ibang bansa .

Samantala, noong May 28 ay naimbita si OMB Chairman Ronnie ni Peter Fowler, US Regional Intellectual Property Attache for Southeast Asia, as guest speaker sa ASEAN-USPTO Advanced Workshop on IP Enforcement for Criminal Investigators and Public Prosecutors. Ang event ay idinaos sa Aetas Hotel, Soi Ruam Rudee Ploenchit Rd., Bangkok, Thailand.

vuukle comment

ADVANCED WORKSHOP

AETAS HOTEL

ANG IRON MAN

ANG OPTICAL MEDIA BOARD

ANG PHILIPPINE NATIONAL POLICE

CHAIR RIC

CHAIRMAN RONNIE

CHAIRMAN RONNIE RICKETTS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with