^

PSN Showbiz

Singer-actress na naudlot ang paglipat biglang na-reject ang kanta sa teleserye

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

May kinalaman kaya ang hindi natuloy na paglipat ng isang singer-actress (SA) sa isang network kaya hindi na itinuloy ng network ang paggamit sa isa sa mga hit songs niya sa bago nilang teleserye?

Two weeks ago, siguradung-sigurado ang kausap namin na sa last two weeks ng teleserye, kanta ni SA ang gagamitin, pero noong isang araw, nabago ang plano. Song ng isang magaling na banda na lang ang gagamitin dahil mas bagay daw sa story ng teleserye.

The same day na nalaman naming hindi na ang song ni SA ang gagamiting theme song ng teleserye, natsikang hindi na natuloy ang paglipat ni SA sa network na gagamit sana ng isa sa song niya sa kanilang teleserye.

Rafael puro kayod ang ginagawa

Hindi nakakapag-promote ng Maghihintay Pa Rin si Rafael Rosell dahil nasa abroad ito at sa June 17 pa ang balik sa bansa. May 31, pa ito umalis for the States para sa GMA Pinoy TV event at Philippine Independence Day celebration sa New York kasama sina Sen. Bong Revilla, Jr., Julie Ane San Jose, at Marian Rivera.

From the States, dumiretso siya sa Singapore para sa taping ng Afternoon Prime for eight days. Pupunta pa siya sa Canada para sa shows nila nina Dennis Trillo at Glaiza de Castro.

“Blessings” ang tawag ni Rafael sa hectic niyang schedule at wala siyang karapatang magreklamo kahit may jet lag. Pagkatapos ng Temptation of Wife, ilang araw lang siyang nagpahinga at sumabak na sa taping ng Maghihintay Pa Rin na magpa-pilot na bukas.

Kahit nabanggit ni Rafael na may “bro code” sila ni Dennis, kung saan, bawal ligawan ang ex ng bawat isa, hindi pa ring maiwasang ma-link ang aktor at leading lady niyang si Bianca King lalo’t pareho silang loveless. Sabi ng aktor, susundin niya ang usapan nila ni Dennis, pero kung hindi mapigilan na magkagusto siya sa kapareha, magpapaalam siya sa ex nito.

Youtube sensation nasa Kapuso na

Youtube sensation si Kimpoy Feliciano, sikat na kahit nasa New Zealand pa lang, kaya nang bumalik ng Pilipinas, hindi na nag-effort nang husto na makilala siya dahil marami na siyang fans. Nagulat nga ang ibang tao kung bakit pinagkakaguluhan si Kimpoy at mas sikat pa nga ito kesa local talents natin.

Mas makikilala si Kimpoy dahil nakapasa sa au­dition ng rom-com morning series ng GMA 7 na With a Smile na ang isa sa mga bida ay ang kanyang idolong si Christian Bautista.

Anyway, isa rin si Kimpoy sa interpreter sa Philpop 2013 at ang composition ni Myrus Apacible na Sana Pinatay Mo Na Lang Ako ang i-interpret. Excited na ito sa grand finals sa July 20 sa Meralco Theater, gagawin daw niya ang lahat para manalo si Myrus ng P1M.

Dahil kay Greyson Chance, Barbie natupad ang pangarap

Ang laki nang pasasalamat ni Barbie Forteza kay Greyson Chance, ang bagets American pop singer dahil ito ang nagbukas ng pintuan sa kanya para maging recording star siya. Sa Meet and Greet ni Greyson nang magpunta rito, pumunta si Barbie dahil fan siya nito at isa sa mga nagtanong sa presscon at doon siya nakita ng mga taga-MCA Music.

Nagulat na lang si Barbie nang offeran ng album at dahil dream nitong magka-album, hin­di na raw siya nagpatumpik-tumpik pa at ti­nanggap ang offer. Ngayon, release na ang self-titled mini-CD niya at ang carrier single na Me­ron Ba ay ginamit pang theme song ng isang Korean novela.

Dahil sa album, nag-guest sa MYX si Barbie, kaya nakita sa ABS-CBN compound para sa taping.

Available ang album ni Barbie sa record stores nationwide at sa iTunes.

AFTERNOON PRIME

BARBIE

BARBIE FORTEZA

DAHIL

GREYSON CHANCE

KIMPOY

MAGHIHINTAY PA RIN

RAFAEL

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with