Thy Womb at Lola ni Direk Brillante kasama sa curriculum ng private and public schools

Hindi ko kailanman pinagdudahan ang pagiging henyo ni Brillante Mendoza sa pagiging direktor ng pelikula.  Kahit maraming bagay akong hindi naiintindihan sa mga mensaheng gusto niyang ipaabot sa mga nanonood ng kanyang pelikula, andun palagi ang pagkakataon for him to redeem himself at hindi naman niya ako binibigo. Naniniwala pa rin ako na nadala siya sa paggawa ng Thy Womb kung kaya nawala ang pansin niya na may Superstar siya sa kanyang cast. Nabuhos ang pagpapaganda niya ng pelikula at napaba­yaan si Nora Aunor. Hindi man ako gan­dang-ganda sa naging performance ni  Nora sa pelikula, maganda ang Thy Womb, hindi ito mapasusubalian.

Naging mahalagang speaker  siya sa katatapos na seminar/outing ng PMPC (Philippine Movie Press Club) na ini-sponsor ni Gov. ER Ejercito sa Sentoza Elenita, isang private hot spring resort sa Los Baños, Laguna na pag-aari ni Doña Elenita A. Alzona.

Sa kanyang speech sinabi ni Direk Mendoza na pangarap niyang mabigyan ng solid follo­wing ang mga alternative films na unti- unti nang nagpapakilala sa bansang Pilipinas sa abroad. Soon, hangad niya na mag­karoon ng katuparan na ang Pilipinas ay magawang kapital ng Asean Films. Masaya ni­yang sinabi na kahit dehadung-dehado si­lang mga alternative filmmakers ay nakiki­pag­­negosasyon sila para maipamahagi ng mga malalaking film and TV productions ang ka­nilang mga pelikula at mapanood  at mai-pro­­mote rito sa bansa. Masaya nitong sinabi na ang kanyang mga pelikulang Thy Womb at Lola ay magiging bahagi na ng curriculum ng mga private at public schools.

Daniel kontra sa pakikipag-dyowa ng ina

Masisisi mo ba ang mga anak ni Karla Estrada, sa pangu­nguna ng pinakasikat na young actor ngayon na si Daniel Padilla, kung lahat sila tutol sa pagkakaroon ng karelasyon ng kanilang ina? Sa mga kasalukuyang kaganapan nga naman na marami sa mga babae ay tumatanggap ng pagmamalupit mula sa kanilang karelasyon o ‘di kaya naman ay pinagkakakitaan sila nito, ay may takot ng namamahay sa kanilang mga puso na baka isa ring walang puso ang matagpuan ng kanilang ina, at magkaaway-away lang sila. Siyempre wala sa kanilang mga anak ang papayag na mamaltrato si Karla.

Show comments