Kris hindi matanggap na may tatay si Bimby?!

Si Kris Aquino naman, pabayaan mo naman si James Yap na makasama ang anak niya. Hindi mo sila maaaring mapaghiwalay dahil nga mag-ama sila. ’Di bale kung hindi sila magkakilala eh nakita naman ni James ang paglaki ng anak niya.

Dapat tanggapin mo na may tatay si Bimby at palagi na itong bahagi ng life niya, whether you like it or not.

Raymart tama lang na manahimik

Tama lang na walang sinasabi si Raymart Santiago tungkol kay Claudine Barretto. Ina ito ng kanyang mga anak at anumang pangit na sabihin niya tungkol dito at sa pagsasama nila ay unang maaapektuhan ang mga bata. Kaya tama lang, quiet na lang siya. Wala rin namang mention si Claudine tungkol sa kanya at sa sitwasyon nila.

Charice may kahati sa buhay ng GF?!

Ewan ko kung totoo namang may sabit ang girlfriend ni Charice na isa ring singer. If ever totoo, kalas na siya. ’Wag nang pairalin ang pride na even sila ng guy sa puso ni girl. ’Yun lang naman yata ang hinihiling ng pamilya niya.

Hindi naman siguro nila hahangarin na mapa­sa­ma siya.

Show comments