Juana C. The Movie kailangang suportahan

I hope sinusuportahan ng mga manonood ang Juana C. The Movie ngayong palabas na ito. Bukod kasi sa nakakatuwa ang trailer, may mensaheng gustong iparating ang pelikula.

Tatlong  taon na ang Juana Change Move­ment ni Mae Paner para sa adboka­siya nitong good governance. Baka sa tulong ng pelikula ay mas mapalawak pa nito ang mga taong naabot nila at gustong makatulong para magkaroon tayo ng pamahalaan na hindi corrupt.

Barbie may ibang intensiyon kay Derrick

Paano hindi paniniwalaang may relasyon sina Derrick Monasterio at Barbie Forteza eh sila ang laging magkasama? Hindi lang dahil may ginagawa na naman silang serye na magkasama kundi dahil din na sa mga guesting ni Barbie para sa promosyon ng recording niya ay nandun din si Derrick. Paliwanag naman ni Barbie ay dahil   si Derrick ang vocal coach niya.

Pero bakit si Derrick, eh baguhan ding singer ito? Aba, Barbie, may dahilan talaga para paghinalaan kayo ng tao! Puwede ka namang kumuha ng professional voice coach bakit si Derrick pa?

Sylvia takot makabuntis ang anak

Napaka-cool namang mother nitong si Sylvia Sanchez. Akalain n’yo, siya pa ang nagbigay ng condom sa anak niyang artista rin na si Arjo Atayde para lamang maiparamdam dito na kinakailangan nitong maging maingat sa kanyang pakikipag-relas­yon?

Napaka-subtle na approach, ’di ba? But the message was there. At dahil matalino rin naman, na-getz ng anak ang gustong ipaintindi sa kanya ng ina.                                                   

Show comments