PhilPop nahirapang humanap ng interpreter!

Ipinarating namin sa kinauukulan ang nabanggit ng isang press na tila puro talents ng Stages ang interpreters sa Top 12 entries ng Philippine Popular Music Festival (PhilPop) 2013. Stages talents nga naman sina Karylle, Kimpoy Feliciano, Sam Concepcion, Tippy Dos Santos, at Christian Bautista at parang may monopoly na nangyari.

Si Karylle ang nag-interpret ng Sa ’Yo Na Lang Ako na composition ni Lara Maigue. Duet sina Sam at Tippy at kasama si Quest sa Dati nina Thyro Alfaro at Yumi Lacsamana. Si Kimpoy ang kumanta ng Sana Pinatay Mo Na Lang Ako ni Myrus Apacible at si Christian ang interpreter ng Araw, Lupa, Langit ni Marlon Barnuevo.

Sagot ng aming tinanong, may mga nilapitan ang PhilPop na mag-interpret ng entries na hindi Stages talent pero ayaw ng mga ito na mag-interpret. May sikat na female singer na umoo noong una pero nag-backout dahil ayaw mag-compete. Ito’y kahit sa singing search siya galing.

Ang sabi, madaling kausap ang management ng Stages at ibinigay ang talents nila ng buong puso. Sa presscon nga ay dumating silang lahat at hanggang sa grand finals ang kanilang ibibigay na suporta sa PhilPop kaya ’wag na silang intrigahin ’no?!

Carla takot maloko ng karelasyon

Ang mga gay-themed movie na Brokeback Mountain at Far From Heaven ang mga pinanood ni Carla Abellana bilang paghahanda sa role ni Lally na makakapag-asawa ng bading sa My Husband’s Lover. Pinanood niya kung paano ang reaction nina Michelle Williams (sa Brokeback Mountain) at Julianne Moore (sa Far From Heaven) nang malamang may gay relationships ang mga asawa nila.

Nag-workshop din siya under Yani Yuzon pero sariling atake pa rin ang ginawa niya sa role ni Lally.

Ayaw ni Carla na mangyari sa buhay niya ang nangyari sa karakter niya sa My Husband’s Lover at tingin niya, mas matatanggap niya kung magloloko ang lalaki sa babae.

“I’m Catholic and I believe in the sanctity of marriage. I’ll stay with my husband ’pag nagloko siya pero iba ’pag bading ang kaagaw mo sa asawa mo at ’pag nangyari ’yun I will let him go,” sabi ni Carla.

Risky para kay Carla ang tema ng My Husband’s Lover. Ipu-push daw nila hangga’t kaya pero susunod sila sa restrictions ng review and classification board natin. Wish ng aktres na makapasa ang ibang mga eksena para maipakita ng buo ang istorya.

Nagulat ang boyfriend niyang si Geoff Eigenmann nang unang malaman ang tungkol sa serye at tinanong pa kung lovers sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez. Alam niyang uncomfortable ang BF kaya hindi niya ini-expect na panonoorin nito ang My Husband’s Lover.

First time ni Carla na makatrabaho si Kuh Ledesma na gaganap na mother-in-law niya sa serye. How is it working with the Pop Diva?

“She is not the diva you think she is. We eat together at laging nagdadasal at gusto ko ’yun dahil kailangan ko ng guidance and support. She’s very casual at madaling pakisamahan. Lagi rin niyang tinaranong si Direk Dominic Zapata kung okay na ang acting niya at kung puwede siyang mag-add ng lines. Really, worth waiting for ang project na ito,” sabi ni Carla.

 

 

Show comments