Sigaw ng lola ng singer: Charice biktima nang paninira noon ng kanyang gf

PIK: Magiging puspusan na ngayon ang pagpu-promote ni Barbie Forteza sa kauna-unahan   niyang album na prinodyus ng MCA Music, Inc.

Nasa recording bar at available rin sa iTunes ngayon ang kanyang self-titled album  na ang carrier single ay Meron Ba.

Lagi naman kumakanta si Barbie sa mga mall show kaya mas mabuting gumawa na rin siya ng sariling album para ito na rin ang maipo-promote niya.

PAK: Ilang beses nang sinadya ng mga reporter si Raymart Santiago sa set ng Home Sweet Home para kapanayamin pero tumatanggi ito kapag tungkol sa kanila ni Claudine Barretto ang pag-uusapan.

Ang latest kasi kahit hindi pa rin sila nagsasamang mag-asawa, si Raymart pa rin ang humingi ng tulong sa mga pulis para ipahuli ang personal assistant ni Claudine na diumano’y nagnakaw sa mga pera at valuables nito na nagkakahalaga ng halos walong milyong piso.

Ayaw ding pag-usapan ito ni Raymart. Basta focus lang siya ngayon sa pagbibigay ng inputs para lalong mapaganda at magiging exciting ang Home Sweet Home.

BOOM: Ngayong araw nakatakdang magsalita ang ina ni Charice na si Raquel Pempengco para maipagtanggol naman nito ang kanyang sarili at malinawan na rin ang lahat na isyung nakapaloob sa pag-amin ng kanyang anak.

Nagsalita na rin sa Startalk ang lola ni Charice na si Tess Relucio at doon niya ibinuhos ang lahat na sama ng loob niya sa kanyang apo.

Pero gusto lang iparating ni Lola Tess na tanggap na tanggap naman niya si Charice dahil bata pa lang ito ay nakitaan na niya ng katomboyan.

Ang hindi lang matanggap ng lola ay ang napabalitang karelasyon ni Charice na si Alyssa Quijano dahil nung bata pa ay itong si Alyssa naman at ang pamilya nito ang nangunguna sa pagsira sa kanyang apo.

Kaya hinding-hindi niya matanggap ito bilang karelasyon ng kanyang apo.

Show comments