Richard wala pang nilalatag na bagong career plan
Ngayon ang huling gabi ng Love & Lies, ang primetime show ni Richard Gutierrez sa GMA 7.
Ang My Husband’s Lover ang papalit sa timeslot ng Love & Lies. Hindi puwedeng ilagay sa early primetime slot ang My Husband’s Lover dahil kontrobersiyal at sensitive ang kuwento ng teleserye nina Carla Abellana, Tom Rodriguez, at Dennis Trillo.
Hindi ko pa alam ang next project ni Richard sa Kapuso Network dahil patapos na rin ang kanyang kontrata ngayong June. Malalaman natin ang mga career plan ni Richard dahil siguradong sasagot ang nanay niya kapag tinanong ng entertainment press.
Rudy buhay na buhay sa alaala
Ngayon ang fifth death anniversary ni Rudy Fernandez na sumakabilang buhay noong June 7, 2008.
Isang misa ang idaraos sa libingan ni Daboy sa Heritage Memorial Park, Taguig City. Araw ng Sabado nang pumanaw si Daboy noong 2008.
Natatandaan ko pa ang buong scenario dahil dinalaw ko pa siya sa kanilang bahay sa White Plains, Quezon City noong June 6.
Supposedly, pupunta ako sa Macau ng June 8 pero hindi na ako tumuloy dahil sa nangyari kay Daboy. Limang taon na ang nakalilipas mula nang mamayapa si Daboy pero buhay na buhay pa rin sa akin ang kanyang mga alaala.
Bonggang project nina Bong, Lani, at Alfred kasado na
Malapit nang magsimula ang shooting ng pelikula na pagbibidahan nina Sen. Bong Revilla, Jr. at House Representatives Lani Mercado at Alfred Vargas.
Bongga ang project pero hindi ko pa puwedeng sabihin ang title. Ang pelikula na gagawin nina Bong, Lani, at Alfred ang dahilan kaya hindi ako nagtagal sa presscon kahapon ng One Day Isang Araw ng GMA 7.
Nakipag-meeting ako sa mga producer ng pelikula para sa schedule ng tatlo.
Show ni Jillianpang-matatanda rin
Puwedeng, puwedeng panoorin ng mga mataÂtanda ang One Day Isang Araw, kahit pambata ito.
Kapupulutan ng aral ang bagong children’s show ng GMA 7 na tatampukan nina Jillian Ward, JoÂshua Uy, Milkah Nacion, at Marc Justine Alvarez.
Ang apat na bagets ang narrators ng mga kuwento na isasadula ng One Day Isang Araw. Sa kanilang apat, si Joshua lang ang walang acting experience dahil lumabas na sa GMA 7 shows sina Jillian, Milkcah, at Marc Justine. Si Milkcah ang bida sa Iglot at si Marc Justine ang gumanap na anak nina Bong Revilla, Jr. at Jennylyn Mercado sa Indio.
Lola ni Charice pinatunayang may dignidad
Nakakaloka ang mag-inang Raquel at Charice Pempengco dahil hindi na sila naubusan ng gulo. Panoorin ninyo bukas ang Startalk para maintindihan ninyo ang ibig kong sabihin.
Marami akong opinyon tungkol sa pag-amin ni Charice na tomboyita siya. Agree ako sa lola ni Charice na nagpakatotoo dahil sinabi niya ang naÂraramdaman tungkol sa away ng kanyang anak at apo.
Nakuha ng lola ang respeto ko dahil pinatunayan niya na may dignidad. Kung bakit, watch ninyo bukas ang Startalk.
Actually, nasasawa na ako sa tomboy issue ni Charice dahil overkill na. Lahat na lang, tinanong tungkol sa kanyang desisyon na aminin na tomboy siya. Para bang siya na ang kauna-unahan at nag-iisang babae na umamin na tivoli.
Naghihintay ako ng isang tomboy na lalantad at magtatapat na na-realize niya na babae siya o ng bading na aamin na tunay na lalaki dahil ’yon ang kakaibang istorya na puwedeng pagpistahan ng mga tsismoso at tsismosa.
- Latest