Gandang Ricky Reyes balik-eskuwela

MANILA, Philippines - Alam ba ninyo na nung June 3 ay mahigit 24 milyung estudyante ang nagbalik-eskwela?

Tutok lang ngayong Sabado alas-nuwebe hanggang alas-diyes ng umaga sa GMA News TV program na Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) at samahan si Mader Ricky sa paglilibot sa mga esklusibong paaralan kung saan nag-aaral ang mas mapapalad na kabataang ang mga magulang at guardian ay kaya ng bulsa ang mataas na tuition fees.

Sulit naman ‘yon dahil sa mga eskuwelahang ito’y maluwang at may air conditioner ang mga kuwarto, malinis ang kapaligiran, alaga ang mga toilet, library, gymnasium atbp.

Dadalhin din tayo ng beauty guru sa isang mahirap na komunidad sa Norzagaray, Bulacan kung saan namudmod ang GRR TNT ng mga school supplies tulad ng bag, notebook, writing pad, lapis at krayola.  Babalik doon ang tropa upang mamahagi ng payong, kapote at sinelas na kailangan ng mga mag-aaral.

At ang mascot na si Chikadora ay pupunta ng Divisoria para ituro sa  mga nahuling mamimili na umiwas sa sikip at hirap na dinanas ng mga shopper noong April at May.

Ilang modelong college girls naman ang aayusan at bibigyan ng payo tungkol sa tama, akma at sosyal na hair style at make-up sa Gandang Make Over para sa bonggang pag­rampa sa campus.

Show comments