May P200 K ang mananalo FDCP naghahanap ng mga script na may global appeal

MANILA, Philippines - Tinatawagan ang mga Pinoy scriptwriter! Mag-uumpisa na ang proseso sa paghahanda sa Sineng Pambansa National Film Festival para sa June sa isang taon ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Magpo-focus ang ahensiya sa tinatawag nilang “genre” filmmaking na dapat ay may domestic at global appeal. Ang genre ay dapat nakapaloob sa action, comedy, fantasy, horror, thriller, futuristic, at puwede ring pinagsama ang dalawa o tatlong klase sa mga nabanggit.

Dahil dito, ang FDCP ay tututok sa lahat ng manunulat sa gagawin nilang scriptwriting contest. Ang paghahanap ng mga entry ay “effective immediately” at ang mga mananalo, 12 entries, ay iaanunsiyo sa December.

Magkakaroon ng imbitasyon ang FDCP sa mga independent producer, film studio, at film division ng mga TV network at isang co-production agreement ang ipo-propose. Ito ay para makatuwang ang mga nasa industriya na ma-interpret ang bubuuing pelikula mula sa winning scripts. Ang mga mapipili ay magiging parte ng official selection sa Sineng Pambansa National Film Festival 2014 at tatawaging The Masters “Genre” Film Festival.

May nakalaang cash prizes sa mga magwawagi: Ang unang anim na magagaling ay makakatanggap ng P200,000 bawat isa at ang anim pa ay mag-uuwi ng P100,000.

Para sa entry forms and guidelines, mag-log on lang sa www.fdcp.ph. Isang entry lang ang puwedeng tanggapin sa bawat scriptwriter na magsusumite. Ang deadline ay Sept. 30 at wala nang dapat maghabol pa kapag lumagpas na ang petsa.

Show comments