^

PSN Showbiz

Foreign press pinatulan ang paglaladlad ni Charice!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Pinik-up ng foreign press ang ginawang pag-amin ni Charice na siya’y tomboy. Na-report sa US, People magazines, New York Daily News at Huffing­ton Post at sa E! Online at sa Hollywood Life.com at Perez Hilton.com blogs ang pag-amin ng singer.

Sa mga nabasa namin, bukod sa tinatawag siyang Filipina singer, star from Glee din ang tawag kay Charice. Ang maganda, walang humusga kay Charice, lahat pinuri ang ginawa niyang pagka-come out sa kanyang sexual orientation. Lahat positive ang reaction, kaya nakalulungkot na sa sarili pa niyang bayan may mga umookray at hindi siya naiintindihan.

Ngayong umamin na si Charice, sana pakinggan naman niya ang hiling ng kanyang fans na balikan niya ang singing career niya at gumawa ng magagandang kanta.

Paglipat ni Ogie, paiba-iba ang kuwento

Dahil na-announce na kasama si Ogie Alcasid sa performers ng Sunday All Stars, ang Sunday show ng GMA 7 na papalit sa Party Pilipinas, ina­kalang hindi na matutuloy ang kanyang paglipat sa TV5.

Pero nang makausap si Ogie sa taping ng Bubble Gang last Monday, sabi nito, wala pang negosasyon, no feelers at hindi nagpaparamdam ang Kapuso Network kung ire-renew ang kontrata niya. “Secret” naman ang sagot ni Leo Dominguez, manager ni Ogie nang tanungin namin kung mananatili sa Channel 7 ang kanyang alaga.

Hanggang June 30 pa ang kontrata ni Ogie sa GMA Network. Balita ring kasama ang manager ni Ogie sa meeting ng managers ng main hosts na sina Regine Velasquez, Jaya, at Janno Gibbs right after kanselahin ang Party Pilipinas. So, kung nakipag-meeting si Leo, ibig kayang sabihin, manana­tiling Kapuso si Ogie?

Naku, hintayin na nga lang nating matapos ang kontrata ni Ogie para masagot ang ating mga tanong.

Marian panay ang shopping sa New York

Ang daming sightings kay Marian Rivera habang nasa Amerika ito at nakikita siyang nagsa-shopping. Isa ito sa pinakamasayang travel ng aktres sa Amerika dahil bukod sa nakapag-bonding sila ng mother niya, nakaikot pa siya sa New York.

After ng Philippine Independence Day celebration sa New York, nagkaroon ng press conference ang grupo nina Marian sa office ng Philippine Consul General. Kasama niyang dumalo sina Sen. Bong Revilla, Rafael Rosell at Julie Anne San Jose. Dito rin nagkita sina Marian at Aga Muhlach na nandoon para naman sa TV5. Nagpa-picture si Marian kasama si Aga.

Noong June 1, may Meet and Greet sa Madison Ave­nue si Marian sa mga Pinoy na nasa Amerika at la­king tuwa nito nang makita ang international chapter ng DongYan Fans nila ni Dingdong Dantes.

From New York, dederetso ang grupo nina Marian sa California dahil may show sila sa Veterans Park sa Carson sa June 8. Wala kaming balita kung kailan babalik ng bansa sina Marian.

Dyowa ni Paolo Paraiso, babaing bakla!

Babaing bakla pala si Lou Sison, commercial mo­del na nag-artista sa tulong ng manager na si Joe Barrameda. Akala namin tahimik ang hitad, pero nang makausap sa presscon ng Maghihintay Pa Rin, babaing bakla pala!

Enjoy daw siya sa showbiz, natsa-challenge sa bawat role na ginagampanan, kaya hangga’t may offer, kanyang tatanggapin. Nangangarap din          siyang magbida, pero ngayon, kontento siyang gumanap na friend ng bida o kontrabida. Pinaka-enjoy siya sa Yesterday’s Bride at feeling nito, mag-i-enjoy din siya sa Maghihintay Pa Rin na magpa-pilot sa June 10 sa Afternoon Prime.

Ang nipis ng katawan ni Lou, 100 lbs., lang yata at 32-25-33 ang vital statistics, hindi ba siya sinasabihan ng boyfriend nitong si Paolo Paraiso na kumain? Five months na ang relasyon ng dalawa, pero three to four years na silang magkakilala sa workshop ng GMA Network.

Sa tanong kung ano ang nagustuhan kay Paolo? “Para siyang bata kung maglambing,” sagot ni Lou.

Okey lang kay Lou na may mga anak si Paolo kay Mylene Dizon at ipinakilala na siya ni Paolo sa mga anak.

AMERIKA

CHARICE

LOU

MAGHIHINTAY PA RIN

MARIAN

NEW YORK

OGIE

PAOLO PARAISO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with