Sayang at wala si Megastar Sharon Cuneta sa pilot showing ng bagong serye ng ABS-CBN na pinamagatang Huwag Ka Lang Mawawala sa isang sinehan ng Resorts World Manila. Hindi niya nasamahan o nasuportahan man lamang ang kanyang panganay na si KC Concepcion sa kauna-unahang pagganap nito bilang kontrabida. Mabuti na lamang at sinamahan si KC ng kanyang amang si Gabby Concepcion at ng sister niyang si Garrie Ibuna Concepcion dahil kasama sila sa unang naka-diskubre nang ngaÂyon lamang mamamalas na talento ni KC sa kanyang pag-aarte. I’m sure na sa kagalingan niya ay mapapagalit niya ang napakaraming tagahanga at taga-suporta ni Judy Ann Santos na siyang aapihin nito sa serye katulong ni Sam Milby. Marami ang nagsabi na with her eyes and exotic looks, talagang bumagay kay KC ang kanyang role.
Both Gabby and Garrie were proud of KC’s performance na sa unang linggo pa lamang ng serÂye ay nagkakaisa na ang lahat na kakaibang Juday na mapapanood. Ilang beses pinalakpakan si KC habang ipinalalabas ang serye.
Samantala, worth it naman ang matagal na ipinaghintay ng cast ng Huwag Ka Lang Mawawala (Tirso Cruz III, Coney Reyes, John Estrada, Susan Africa, Empress. Hindi nakakainip ang serye dahil mabilis ang takbo ng kuwento. Kahit tatlu-tatlo ang direktor nito ay mukhang nagkaisa sila sa paghahati-hati ng trabaho. Sa unang linggo pa lamang nito ay na-establish na ang kuwento, ang pagkikilala ng mga characters nina Juday at Sam, at ng magiging tambalan nina Empress at Joseph Marco.
Charice makakabalik na sa pagkanta
Talk of the town ang ginawang pag-amin ni ChaÂrice ng kanyang kasarian. Sa interes na ipinaÂmamalas ng lahat, iisipin mo na si Charice ang kaÂuna-unahang celebrity o artista na umaming tomboy siya, gayung bago siya ay umamin na rin si Monique Wilson at bago silang dalawa ay tinanggap na rin si Aiza Seguerra sa kanyang tunay na katauhan. Mas nauna lamang si Charice na ma-realize ang kanyang pagiging tomboy sa edad na limang taon. Sa ganitong edad ay cute na cute pa ang lahat ng tagasubaybay ng local showbiz sa katalinuhan ng batang unang nakilala bilang kandidata sa Little Miss Philippines na nang lumaon ay kinilalang mahusay na female child star. Nito lamang nag-venture si Aiza into singing lumabas ang pagka-tomboy niya.
Ngayong nag-come out na siya, umaasam na ang lahat na matatahik na ang international singer at mapagtuunan na ang kanyang pagkanta.
Maja konting panahon na lang ang ipagtitiis sa pagsasama nila ni Kim
Happy ako dahil akala ko ay naayos na ang sigalot sa pagitan nina Maja Salvador at Kim Chiu. Nagkaayos na ang mga characters nila sa Ina, KaÂpatid, Anak at kasabay nito ay napabalitang okay na rin sila sa personal nilang buhay. ‘Yun pala hindi pa. Kay Maja mismo nanggaling nang makausap siya sa The Buzz na hindi pa rin sila nagkakausap ng dating kaibigan. Pero kahit nahihirapan siya, dahil nga sa estado nilang dalawa at alam niyang hindi lamang siya kundi pati na rin si Kim ang nag-effort para hindi sila makaapekto sa set, iginagalang niya ang damdamin ng dating kaibigan. Umaasam siya na habang magkasama sila ay magkaayos na silang dalawa, pero kung hindi man ito mangyari ngayon, baka in the very near future.
Nasa huling dalawang linggo na lang ang Ina, Kapatid, Anak.
Pelikula ni Jacky Woo ililibot muna sa ibang filmfest bago ipalabas sa ‘Pinas
Hindi lamang naman ang Death March na prodÂyus ni Jacky Woo ang mas naunang mapanood sa ibang bansa kaysa rito sa atin. Ganito kadalasan ang nangyayari sa maraming pelikula na isinasali sa mga filmfests sa abroad. Makatapos ang screening sa sinalihan nilang film festival ay iniikot muna ang mga pelikula sa maraming bansa bago tuluyang ipapanood sa mga Pilipino.
Bilang prodyuser at artista rin ng kanyang pelikula ay nagawang iwan sandali ni Jacky ang kung anuÂmang pinagkakaabalahan niya sa bansang Hapon para dumalo sa Cannes International Film Festival at hindi man ito nanalo, karangalan na niya na napaÂsaÂma ang Death March sa prestihiyosong filmfest. Tinanggap ito ng maganda ng mga nakapanood hindi na-boo tulad ng ibang entries.