^

PSN Showbiz

‘Sigaw ng nanay ni Charice: Too many lies. Where do I start - feeling down’

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Kahapon ang 18th birthday ni Joshua Aquino, ang lovechild nina Kris Aquino at Phillip Salvador. Nag-celebrate ng 18th birthday si Joshua sa Legoland, Malaysia.

SCENE: Lalong tumaas ang respeto ng mga journalist kay Jessica Soho dahil sa mga text message ng pasasalamat nito sa mga nagsulat sa kanyang panig sa kontrobersiya na inumpisahan ni Vice Ganda.

SEEN: Dalawang beses na sinabi ni Isabelle Daza sa Eat Bulaga kahapon ang “Ridyah, KSA.” “Riyadh” ang nakasulat sa cartolina paper na binasa ni Isabelle at hawak ng Mercado Family na studio audience ng Eat Bulaga.

SCENE: Pera ang itinuturong dahilan kaya pinipigilan si Charice ng kanyang ina na aminin sa publiko na tomboy siya. Nanghihinayang umano si Raquel Pempengco sa mga trabaho na mawawala kay Charice.

SEEN: “Too many lies. Where do I start - feeling down” ang Facebook post ni Raquel, ang nanay ni Charice. Tila patungkol sa mga sinabi ng kanyang anak sa The Buzz ang Facebook post ni Raquel.

SCENE: Nag-uunahan ang mga local TV show na mainterbyu si Mommy Raquel dahil sa mga isasagot nito sa mga pahayag ni Charice.

SEEN: DJ G ang screen name na ginagamit ni Patricia Javier sa Amerika. Ang pagiging DJ ang bagong career ni Patricia sa Amerika.

SCENE: Hindi magkasundo ang former beauty queen na si Gwendoline Ruais at si Anthony Semerad, ang twin brother ng kanyang boyfriend na si David.

AMERIKA

ANTHONY SEMERAD

CHARICE

EAT BULAGA

FACEBOOK

GWENDOLINE RUAIS

ISABELLE DAZA

JESSICA SOHO

JOSHUA AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with