GMA tambak ang mga bagong show!
MANILA, Philippines - Inihahandog ng GMA 7 ang mga bago at kaabang-abang nilang mga programa bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang 63rd anniversary.
Una na sa listahan ang television remake ng isa sa mga drama series na tumatak na sa mga maÂnonood, ang Anna Karenina itinatampok sina Barbie Forteza, Joyce Ching, at Krystal Reyes kasama sina Derrick Monasterio, Hiro PeÂralta, at Julian Trono. Sa ilalim ng direksiyon ni Gina Alajar, na nagsimula na noong Hunyo 3, ay tungkol sa paghahanap ng tatlong babae at kani-kanilang mga pamilya sa tunay na Anna KaÂrenina.
Nagsimula rin noong Lunes ang Mga Basang Sisiw. Una na itong naipalabas noong 1981 bilang isang pelikula kung saan bida sina Sheryl Cruz, Janice de Belen, Che Che Perez de Tagle, at Julie Vega. Itinatampok ng Mga Basang Sisiw sina Renz Valerio, Bianca Umali, Kimberly Faye, Hershey Garcia, at Mico Zarsadias. Bibigyang buhay din nina Lani Mercado, Raymond Bagatsing, Gardo Versoza, Mike Tan, at Caridad Sanchez ang iba pang mga karakter. KaÂsama rin sa lead cast ang versatile acÂtress na si Maxene Magalona na gaganap sa isang ispesyal na karakter. Ang Mga Basang Sisiw ay sa ilalim ng direksyon ni Ricky Davao.
Simula naman Hunyo 10, tiyak na magbibigay ng bagong mukha ang GMA Telebabad sa pagsisimula ng isang mapangahas na drama series, ang My Husband’s Lover na inihahandog ang mga karakter nina Carla Abellana, Dennis Trillo, at ang pinakabagong Kapuso na si Tom Rodriguez. Sa ilalim ng direksiyon ni Dominic Zapata, ang programang ito ay siguradong magbibigay ng panibagong timpla sa bawat gabi ng mga Kapuso viewers.
Kasama rin sa listahan ng mga dapat abangan ang Maghihintay Pa Rin simula Hunyo 10. Nagbabalik sa Afternoon Prime block ang Kapuso leading lady na si Bianca King kasama sina Rafael Rosell at Dion Ignacio. Sa direksiyon ni Don Michael PeÂrez, makakasama rin dito sina Ayen Laurel at Kapuso stars na sina JC Tiuseco, Diva Montelaba, Julie Anne Lee, at marami pang iba.
Pagsapit ng Hunyo 15, inihahandog ng GMA Network ang One Day Isang Araw, ang pinaÂkaÂbagong child-frienly na programa na bubuhay sa imaÂhinasyon hindi lamang ng mga bata kung hindi pati na rin ang mga matatanda. Magbibigay saya ang mga bata na sina Milkcah Nacion, Marc Justine Alvarez, Joshua Uy, at Jillian Ward tuwing Sabado.
Magbibigay sigla sa umaga ng bawat Kapuso ang nalalapit na pagÂsisimula ng all-original morning series na With a Smile. BumuÂbuo sa powerhouse cast ng With A Smile sina Andrea Torres, Mikael Daez, at Christian Bautista. Sa direksiyon ni Louie Ignacio. Magsisimula ito ngayong HunÂyo 17.
Maghanda na isang all-out Sunday afternoon dahil magsasama-sama na ang mga pinakamaniningning at pinaka-inaabaÂngang mga Kapuso stars sa pinakabago at piÂnaka-exciting na musical-variety progÂram na Sunday All Stars. Ibang level na noontime TV experience ang siguradong nag-aabang sa mga Filipino viewers. Si direksyon ni Rommel Gacho.
Bukod sa entertainment programs line-up, inihahandog din ng GMA Films sa mga Kapuso ang dalawang bago at exciting na mga pelikula ngayong taon.
Kasabay ng pagdiriwang ng Independence Day ng Pilipinas ay ang pagpapalabas ng pelikula mula sa Portfolio Films at GMA Films, ang Dance of the Steel Bars. Sa direksiyon ni Cesar Apolinario at Marnie Manicad, ang pelikulang ito ay kinuhanan mismo sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center kasama sina Dingdong Dantes at international actor Patrick Bergin. Bida rin sa pelikula sina Mon Confiado, Kathleen Hermosa, Thou Reyes, Gabe Mercado, Renee Salud, at Gov. Gwen Garcia. Magsasama naman ang GMA Films at Regal Entertainment para sa pagbabalik-tambalan ng blockbuster love team nina Richard Gutierrez at Marian Rivera para sa pelikulang My Lady Boss.
Ang pelikulang ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Jade Castro at mapapanood simula Hulyo 3.
- Latest