Hindi shocking sa akin ang pag-amin ni Charice na tomboy siya pero humanga ako nang kantahin niya ang Maghintay Ka Lamang.
Ang ganda-ganda pa rin ng boses ni Charice at bagay na bagay sa kuwento ng kanyang buhay ang lyrics ng kanta na pinasikat noon ni Ted Ito.
Nang marinig ko ang kanta, nagkaroon ako ng urge na bumili ng CD ng Maghintay Ka Lamang. Urge raw o!
Natatandaan ko na kinanta ni Charice ang Maghintay Ka Lamang sa TV special niya noon sa GMA 7. Red na red ang gown na suot ni Charice habang bumibirit siya at ipina-flash sa TV screen ang mukha ng kanyang mother dear na nag-trip down memory lane.
Ngayong inamin na ni Charice ang pagiging tomboyita, hindi na siya mahihirapan na maghanap ng damit na isusuot sa kanyang mga concert at TV guesting. Goodbye na ang mga gown at ang mga makeup dahil boy na nga siya ’no?! Sa totoo lang, mahirap maging babae kesa lalaki dahil kapag girl ka at artista, mamomroblema ka sa mga damit, sapatos, makeup, at kung anik-anik pa.
“Moy†na ang bagong palayaw ni Charice dahil sa biro na “Moymoy Palaboy†siya noong matsismis na iniwanan niya ang kanilang bahay sa Cavite.
Mukhang feel na feel naman ni Charice ang tawag sa kanya dahil very masculine ito sa pandinig debah?
Ngayong umamin na si Charice na tomboyita siya, aabangan ng lahat ang mangyayari sa kanyang singing career as in magiging kasing-init pa rin ba ito gaya ng dati? Matatanggap ba sa international scene ang kanyang new look? Ano ang magiging reaksiyon ng fans niya sa buong mundo?
Wondering ang mga vaklush kung bakit hindi direktang inamin ni Charice na girlfriend niya si Alyssa Quijano. Basta ang sabi niya, si Alyssa ang kanyang inspirasyon.
Hindi ako masyadong interesado sa love affair nina Charice at Alyssa. Mas gusto kong malaman kung sino ang past dyowa ni Charice dahil ito mismo ang nagsabi na naranasan na niya noon na makipagrelasyon sa kapwa babae. Natsismis ng singer sa isang American girl na mas matanda sa kanya. Ano kaya ang totoo sa kanilang dalawa?
Congrats kay Boy Abunda dahil bongga ang pag-handle niya sa Charice interview! Naitanong ni Boy ang lahat ng mga gustong malaman ng madlang-bayan tungkol sa Pinay international singer.
Walang puwedeng itapon sa exclusive interview ni Boy na naging honest naman sa pagsagot. Ang sabi ni Charice, bagong chapter na ng kanyang buhay pero hindi natatapos ang mga pagsubok sa pag-amin niya na tomboy siya. Twenty-one years old pa lamang siya. Marami pa siyang mga pagdaraanan at realization na mararanasan. Pangarap pa niya na maging groom ’di ba?
Sana hanggang doon na lang ang plano niya.
Huwag nang magkaroon ng mga isyu tungkol sa sex reassignment surgery na siguradong itatanong sa kanya tulad ng mga question kay BB GandangÂhari nang mag-decide ito na panindigan ang pagiÂging babae.