Inamin ni Maxene Magalona na first time niyang gumanap na kontrabida sa Mga Basang Sisiw ng GMA Network, Inc. na nagpapakita ng mga paghihirap at pagpupunyagi sa buhay sa bagong afternoon drama series.
Ngayon lang siya tumanggap ng character role para maiba naman ang mga karakter na ginagampanan.
‘‘I like it because it’s something new. Ngayon ako naman ang nang-aapi,†aniya.
Sinabi pa rin ng aktres na natatakot sa kanya ang batang si Miko Zarsadias na limang taon gulang lang.
‘‘Kasi sinisigawan ko sila at may eksenang pinalalayas ko ang mga bata. Umiyak si Miko at tinanong ako kung bakit ko siya sinisigawan. Ipinaliwanag ko sa kanya na sa telebisyon lang ito at hindi sa tunay na buhay dahil mabait naman ako.’’
Kasama pa rin nito si Raymond Bagatsing at sinabing kung noon ay tatay niya ang aktor ngayon ay lover na sa drama series. Loveless siya ngayon dahil naka-focus ang atensiyon sa trabaho.
Mapapanood ang Mga Basang Sisiw ngayong Lunes, June 3, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.
Ricky kumakanta-kanta habang nagdidirek
Tuwang-tuwa si Maxene Magalona kay Ricky Davao dahil bilang director nila sa Mga Basang Sisiw ay masaya ito at pakanta-kanta sa set. Minsan pa nga ay nagdu-duet sila ng awiting Bakit Ngayon Ka Lang.
Saludo si Ricky sa mga veteran star gaya ni Caridad Sanchez na napakagaling umarte at si Gardo Verzosa na nagbabalik sa GMA.
Inamin nito na wala namang sumpong ang mga bata na kasama nila lalo na si Miko Zarsadias although minsan kapag nasa kalagitnaan ng taping ay masasabi itong naiihi o pupupo kaya binibigyan niya ng atensiyon.
‘‘One time may eksena ang mga bata sa dagat matapos bumagsak ang eroplano. Nakita kong hirap na lumangoy si Miko. Pasinghap-singhap pa ito at akala ko ay hindi niya kayang lumangoy dahil hanggang leeg niya ang tubig. Natakot ako kaya hinto muna ang eksena. ’Yun pala ay itatanong lang ni Miko kung okay ang akting niya. Kaloka, ’ di ba?’’
Paano niya nagagawan ng paraan kapag wala na ang bata sa mood?
‘‘Katapat lang niyan ay tsokolate at tuloy na uli siya sa pag-arte. Magaling lahat ang mga bata sa pag-arte,†sabi ni Direk Ricky.