MANILA, Philippines - Noong dekada 50, isang matinee idol ang pumukaw sa puso ng mga babae dahil sa kanyang kaguwapuhan o sa kanyang husay sa pag-arte. Pancho Magalona ang kanyang pangalan at naging best actor awardee sa FAMAS noong 1958.
Si Pancho rin ang dahilan kaya isinilang ang King of Pinoy Rap sa mundong ito.
Ipinakilala ni Francis Magalona ang Pinoy hip hop. Hindi siya malilimutan dahil sa kanyang mga anthem at catchy beat. Responsable siya sa pagdadala nito sa mainstream music at naging inspirasyon siya ng rock and pop artists. Nakakatikim pa rin tayo hanggang ngayon ng kanyang musical genius kaya, sa maaga niyang pagkawala, marami pa tayong hinahanap-hanap.
Meron na ring Elmo Magalona na sumisikat sa sarili niyang kakayahan. Sa kanyang batang hitsura at magandang boses sa pagkanta, hindi maikakailang bahagi siya ng isang angkan ng mga sikat. Patuloy na umaangat ang kanyang showbiz career sa pagdaan ng mga taon.
Ngayon, naging posible ang imposible. Ang tatlong ito ay nagsama-sama sa Kaleidoscope World music video ni Francis M. Mapapanood si Francis na kaharap at ka-dueto sa pagkanta si Elmo at kung minsan ay sinusundan ni Pancho na sumasayaw, gumagawa ng kanta.
Sumuporta sa reunion ng tatlong Magalona ang Oishi Prawn Crackers na isang kilalang tsitsiryang Pinoy.
Panoorin ang Kaleidoscope World Forever More Music Video sa <http://alturl.com/k77f9>.