I-Witness bibisitahin ang kakaibang Pinoy na guro sa Amerika
MANILA, Philippines - Ngayong Lunes, habang abala ang mga guro at mga estudyante sa pagbubukas ng klase, bibisitahin ng award-winning journalist na si Sandra Aguinaldo ang isang grupo ng mga Pilipinong guro na nagbibigay ng bagong kahuÂlugan sa edukasyon sa Amerika.
Hatid ng I-Witness at ng US State Department ang episode na A is For (Big) Apple ngayong Lunes na tumatalakay sa buhay ng mga gurong PiÂnoy sa New York na nagtuturo ng wikang Ingles hindi sa mga bata kundi sa mga imÂÂmigrant mula sa iba’t ibang bansa.
Isa sa mga guro si Chito Atienza na nakatira sa US ng mahigit dalawangdekada. Sa isang maliit na training center sa Brooklyn, araw-araw siyang naÂkiÂkipagkita sa kanyang mga estudyante mula China, Dominican Republic, Mexico, Pakistan, Palestine, Ecuador, at iba pa para magturo at matuto mula sa isa’t isa.
Sa loob ng 28 taon, para mas matulungan ang mga estudyante niya, puÂmuÂpuÂlot sa daan si Atienza ng mga tiket ng loterya at menu mula sa restaurant para maging babasahin ng kanyang klase.
Maituturing na espesyal ang training center na ito dahil kumpara sa ibang center, walang tama o maling sagot dito.
Natututo ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang personal na kuwento kahit hirap man sila sa pagsasalita.
At dahil sa kanyang pagmamalasakit, pinarangalan si Atienza nung 2008 ng ESOL Teacher of the Year ng New York Times.
Samahan si Sandra sa pagtuklas sa nakaaantig na kuwento sa loob ng klase sa New York sa I-Witness pagkatapos ng Saksi sa GMA Network, Inc.
- Latest