Buking sa mga litrato: Aktres na ex-wife ng actor, maligaya na sa piling ng iba!

MANILA, Philippines - May karelasyon na diumano ang isang aktres na kahihiwalay lang sa kanyang asawa. At hindi na ito puwedeng ilihim dahil ipino-post ito nang diumano’y karelasyon ni aktres. Ang hindi kasi alam ng bagong boyfriend ng ex-misis ng aktor, pina-follow ng isang kakilala ng actor ang Instagram account ng diumano’y karelasyon ni actress. Nabuko tuloy sa mga litrato sa Instagram na madalas kasama ni new BF si actress na ex ni actor.

Wala naman sigurong masama kung makipag-relasyon na si actress. Pero sana raw ay ’yung mayaman na ang pinili ni actress bilang kapalit ng kanyang ex na actor.

Toni nauna ang pangalan sa 4 sisters…

Mukhang kikita na naman ng malaki ang Star Cinema sa tinatapos nilang pelikulang 4 Sisters and a Wedding na pagbibidahan nina Toni Gonzaga, Bea Alonzo, Angel Locsin, Shaina Magdayao. Ang 4 Sisters and a Wedding ay sa ilalim ng direksiyon ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina.

Tampok din sa family romantic-comedy film ng Star Cinema ang young actor na si Enchong Dee na gaganap sa kuwento bilang si CJ, ang bunso at nag-iisang lalaking kapatid ng Salazar sisters: Si Teddie (Toni), ang panganay na nagtatrabaho sa Spain; si Bobbie (Bea), na matagumpay na sa New York; si Alex (Angel), na isang Manila-based independent assistant film director; at si Gabbie (Shaina), isang school teacher na nakatira sa kanilang bahay kasama ang kanilang ina (Connie Reyes).

Matapos ang ilang taong pagkakawalay, mu­ling magsasama-sama ang Salazar sisters para sa kasal ng kanilang ‘baby brother.’ At sa muling pagkakabuo ng kanilang pamilya, muli ring lulutang ang mga damdamin at isyung pilit nilang itinago mula sa isa’t isa sa matagal na panahon.

Isang romantic comedy tungkol sa relasyon ng pamilya, samahan ng magkakapatid, at hindi masusukat na pagmamahal ito, ang una sa 20th anniversary offering ng Star Cinema ay mapapanood na sa mga sinehan nationwide sa June 26.

Ang sabi, wala naman daw nangyaring patalbugan sa apat na bida. Pero makikita naman natin ‘yan ’pag ipinalabas na ang pelikula.

Luis Buñuel Festival mapapanood sa Baguio Cinematheque

Inihahandog ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at Film Cultural Exchange Program (FCEP), in partnership with the Embassy of Mexico, ang Luis Buñuel in Mexico, a series of film screenings in tribute to the eponymous director.

The retrospective features five films of Luis Bunuel, all situated sa early part of his career ay mapapanood sa Baguio Cinematheque sa mga sumusunod na petsa:

Nazarin (1958) on Wednesday, July 3 – 3:30 p.m. and 5:30 p.m.

El Gran Cavalera/ The Great Madcap (1949) on Thursday, July 4 – 3:30 p.m. and 5:30 p.m.

Subida al Cielo/ Ascent to Heaven (1951) on Friday, July 5 – 3:30 p.m. and 5:30 p.m.

La Hija del Engaño/ Daughter of Deceit (1951) on Saturday, July 6 – 1:30 p.m. and 3:30 p.m.

La Ilusion Viaja en Travia / Ilusion Travel by Streetcar (1953) on Sunday, July 7 – 1:30 p.m. and 3:30 p.m.

Luis Buñuel’s name ay synonymous sa surrealist film style dahil sa kanyang collaborative work with Salvador Dali, Un Chien Andalou.

                                               

 

Show comments