Kapuso stars makikisaya sa pagdiriwang ng Philippine Independence Day sa US at Canada

MANILA, Philippines - Kaakibat ng GMA Pinoy TV, GMA Life TV at GMA News TV International ang iba’t ibang Filipi­no-American at Filipino-Canadian communities sa paggunita ng ika-115th Philippine Independence Day.

Sinasabing pinakamalaking Filipino event sa la­bas ng Pilipinas ang Philippine Independence Day Celebration sa New York. Tinatayang 80,000-100,000 ang darating sa Madison Avenue sa June 2 para makisali at makisaya sa naturang selebrasyon. Merong Grand Parade at Cultural Festival na magaganap at Street Fair na tampok ang masarap na pagkaing Pinoy at kakaibang paninda. Makakasama ng mga kababayan natin sila Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Kapuso heartthrob Rafael Rosell mula sa hit teleserye na Temptation of Wife, multi-pla­tinum recording artist Julie Anne San Jose, at, ang Indio lead star, Senador Ramon “Bong” Re­villa, Jr. Ang pagdiriwang na ito ay inorganisa ng Philippine Independence Day Council, Inc.

Sa California naman, ang lugar kung saan may pinakamalaking populasyon ng Filipino-Americans, may magaganap na dalawang pagdiriwang. Una dito ay ang Pista sa Nayon ng Philippine Cultural Committee sa Vallejo sa June 1. Malapit sa 50,000 katao ang inaasahang darating sa event na ito, na dadaluhan ng mga Kapuso stars na sina Dennis Trillo at Glaiza de Castro.

Pupunta at makikisaya rin sina Dennis at Glaiza sa Pagdiriwang Philippine Festival ng Filipi­no Cultural Heritage Society of Washington (FCHSW) sa Seattle sa June 8 at 9.  Ang taunang sele­bras­yon na ito ay palagiang ginaganap sa Seattle Center simula noong 1987.

Sa may Carson City naman sa California ulit, gaganapin ang 15th Carson Independence Day Cele­bration ng Philippine Independence Day Foundation (PIDF) sa may Veterans Park sa June 8. Kasama din sa kasiyahan ng Balikatan sa Pag-Unlad sila Marian Rivera at Rafael Rosell.

Hindi naman pahuhuli ang ating mga kababayan sa Canada dahil magkakaroon sila ng Pinoy Fiesta at Trade Show sa Metro Toronto Convention Centre sa June 22. Ito ay isang all-day entertainment at trade show na tinatayang magkakaroon ng 12,000 na bisita. Mayroon performance ang mga Kapuso stars na sina Dennis Trillo, Rafael Rosell at Glaiza de Castro sa selebrasyong ito na in-organisa ng mga grupong Philippine Canadian Charitable Foundation at Philippine Chambers of Commerce Toronto.

 Ang GMA Pinoy TV, GMA Life TV at GMA News TV International ay masayang maging parte ng mga pagdiriwang na nagpapakita ng tunay na diwa ng pagiging Pinoy; ang GMA Network bilang nangunguna sa pagsho-showcase at pagkukuwento ng napakagandang kasaysayan ng bansa katulad ng mga epicseryeng Amaya at Indio.

Importante para sa GMA International na maging bahagi at magbigay suporta sa mga pagdiriwang na ganito. Ani ng Vice President at Head of International Operations na si  Joseph T. Francia, “GMA Network is once again pleased to partner with various Filipino community organizations for Philippine Independence Day celebrations in different parts of the world. This year, our participation is anchored on the theme “Proud to be Pinoy!”, in recognition of our countrymen’s pride for our nationhood, culture and history.”

Mapapanood ang GMA Pinoy TV, GMA Life TV at GMA News TV International sa US at sa mga bansa sa Europa, Middle East, North Africa at Asia Pacific. 

Rico Blanco, Moonstar88 magdya-jamming sa Run United 2013

Yayanigin ng guwapo at multi-awarded na singer-songwriter na si Rico Blanco ang entablado ng Unilab Active Health Run United 2013 sa SM Mall of Asia ngayong Linggo, ika-2 ng Hunyo, sa ganap na alas-sais ng umaga. Makakasama ng sikat na singer ang bandang Moonstar88 na siyang nagpasikat sa mga awiting Torete at Sulat.

Siguradong dadagsain na naman hindi lang ng mga runner, kundi maging fans na gustong maging healthy ang “Run United” na isang taunang running event na inorganisa ng United Laboratories (Unilab), ang pinakamalaking pharmaceutical company sa bansa na gumagawa ng mga gamot at bitaminang bukod sa mabisa ay siguradong ligtas ding inumin.  Paalala nga ni John Lloyd Cruz sa commercial ng Biogesic: “Ingat!”

Pangalawang bahagi na ito ng nasabing event sa taong 2013 ngunit hindi pa rin paaawat ang mahigit-kumulang 12,000 katao na nagpa-rehistro para rito.

May apat na kategorya ang nasabing event — ang 500m, 10k, 21k at 32k — na nag-uumpisa at nagtatapos sa Seaside Boulevard. Tatahakin ng ruta ng 10k ang Diosdado Macapagal Avenue at aabot ito hanggang sa tapat ng Manila Yacht Club sa Roxas Boulevard samantalang ang ruta naman ng 21k ay aabot hanggang sa Luneta Park sa bukana ng Ro­xas Boulevard.  Ang pinakamahabang ruta, 32k, ­ay susunod sa ruta ng 21k ngunit aabot din ito sa kabilang dulo ng Roxas Boulevard kung saan nagtatagpo ang Manila-Cavite Expressway at NAIA Road.

Sa mga hindi carry mag-run, maaari pa rin ka­yong mag-enjoy sa samu’t-saring activities na na­­kapalibot sa venue katulad na lang ng Ceelin Play­ground kung saan may mala-higanteng inflata­ble playground para sa mga chikiting.  Meron ding henna tattoo, face painting at photo booths na puwedeng salihan.

Maaari rin kayong mamili ng mga collectibles at souvenir items sa Active Health shop at siyempre, hindi mawawala ang isang libo’t isang tuwang lafa­ngan sa Food Pavilion.

Kasama ng Unilab Active Health sa pag-organisa ng Run United 2013 ang RunRio, Inc., isang kumpanyang itinatag ng sikat na running coach na si Rio dela Cruz.

Noong ika-17 ng Marso ng taong kasalukuyan, mahigit-kumulang 10,000 katao ang lumahok sa u­nang bahagi ng Run United na ginanap din sa SM Mall of Asia.

Gaganapin ang huling bahagi ng Run United tri­logy ngayong taon sa ika-6 ng Oktubre.  Para sa ka­ragdagang impormasyon, bisitahin lang ang website na http://www.unilabactivehealth.com.

 

Show comments