‘Hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa pagpapatawa!’
Kahit pa maraming pros and cons sa ginawang paghingi ng dispensa ni Vice Ganda kay Jessica Soho ay talagang dapat nang mag-move on ang lahat ng kasangkot sa isyu para lang mawala na ang pait at sakit na lumabas.
Marami ang matututunan sa naging kaganapan, lalo na sa komedyante na hindi lahat ng bagay, pangyayari, at tao ay maaaring gamitin sa pagpapatawa.
Hiro pinagdamutan ng mga Magalona
Totoo kayang ayaw ipagamit ni Pia Magalona sa batang aktor na si Hiro PeÂralta ang kanilang apelyido kung kaya ang dating Magalona na ginagamit nito ay Peralta na ngayon? Mabuti na lang at nangyari ito ngayong nagpapakilala pa lamang ang batang artista at hindi ’yung tanggap na siyang Magalona. At nasabay ang pagpapalit niya ng apelyido sa pagbibida niya sa Anna Karenina.
Isa si Hiro sa mga kabataang sinasanay sa Walang Tulugan with Master Showman. Maski sa programa ko ay kinakitaan ko na siya ng talento at determinasyon kaya hindi na ako nagtataka na napansin siya ng pamunuan ng GMA.
Sana mapansin din nila ’yung iba pang young talents na hinahasa sa Walang Tulugan. Sana…
Mark mawawalan na rin ng trabaho ’pag Linggo?
Sana man lamang ay makasama si Mark Herras sa show na papalit sa Party Pilipinas. Mapapakinabangan sa show ang kanyang pagsayaw. At kakaunti lang naman silang artista na may ganitong talento kaya sana nga ay makita siya sa bagong palabas.
- Latest