MANILA, Philippines - Ang buong cast at crew ng premyadong talent show ng bansa, ang Talentadong Pinoy, ay handa na para sa kauna-unahan nitong international production. Lumipad na papuntang Middle East ang host na si Ryan Agoncillio at Celebrity Talent Scouts na sina Arnell Ignacio, Gelli de Belen at Marvin Agustin para sa taping ng Talentadong Pinoy Middle East. Layunin ng Middle East version na makahanap din ng mga Pilipinong may natatanging talent tulad ng mga winners ng Talentadong Pinoy na sina Astroboy, Yoyo Tricker at Joseph the Artist.
Dinumog ng mga Kapatid natin sa Riyadh, Doha, Jeddah, Abu Dhabi, Dammam, at Dubai ang auditions na ginanap doon kamakailan. Pagkatapos ng deliberations, handa na ang buong team ng Talentadong Pinoy para sa qualifying rounds kung saan magtatagisan na ang mga contestants laban sa isa’t isa.
Ang winner ay mag-uuwi ng grand prize na nagkakahalagang USD10,000.
Ang grand finals episode ay mapapanood sa Pilipinas sa Talentadong Pinoy Worldwide sa daraÂting na July.
Ang Talentadong Pinoy Middle East ay mapapanood ng mga Kapatid nating nasa Gitnang-Silangan ngayong June sa pamamagitan ng Kapatid TV5 via OSN.