Ethel Booba at Victor Silayan, waging Ultimate Party Couple sa Boracay Bodies

MANILA, Philippines - Matapos mamalagi ng pitong araw sa Boracay at dumaan sa iba’t ibang matitinding challenges na sumubok sa kanilang tatag ng loob at paninindigan, itinanghal na Ultimate Party Couple ng Boracay Bodies sina Ethel Booba at Victor Silayan. Inanunsiyo ito sa inabangang finale ng natatanging reality show on Philippine TV noong Sabado, May 25.

Sina Ethel at Victor nga ang nag-uwi ng premyong isang milyong piso matapos nilang manguna sa iba’t ibang challenges sa Boracay Bodies. Tinalo nila ang ibang party people na sina Wendy Valdez, Helga Krapf, Krista Miller, Luke Jickain, Brent Javier at Joross Gamboa.

Sa pinakahuling challenge ng rea­lity show, paramihan ng maibibigay at makokolektang chips ang bawat contestant. Kailangan nilang  mag-invite ng mga tao sa Ultimate Party na ginanap sa harap ng  Boracay Regency Hotel, at ang chips ang magsisilbing “invite”  ng mga dadalo. Ang nakuha nilang puntos mula sa chips ay idinagdag sa mga puntos na nakuha nila mula sa nakaraang challenges.

Sa gabi ng finale party, rumampa ang walong party people suot ang pinakaseksi nilang swimwear. Bago nagtapos ang programa, inannounce ng host na si Phoemela Baranda na lahat nang dumalo sa party ay bibigyan ng tig-dalawang white chips. Kailangan nilang ihulog ang chip na ito sa box ng party girl at party boy na pinaka-paborito at pinaka-gusto nilang manalo. At nang matapos nga ang bilangan, lumitaw na runaway winners sina Ethel at Victor!

Pinakamagagandang mutya ng Navotas, isasagala ngayon

Inaabangan taun-taon sa Navotas ang selebrasyon ng Flores de Mayo kung saan 14 na magagandang dilag mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod ang nagniningning sa makukulay at maliliwanag na kubol.

Ayon kay Ms. Jennifer Serrano, City Tourism Officer, “sinisimbolo ng aktibidad na ito ang pagpapahalaga ng mga Navoteño sa katolikong tradisyon na Santa Cruzan sa ngalan ni Reyna Elena at Constantine at pagkahanap ng krus sa Jerusalem.”

 â€œNakaugalian nang isagawa ang aktbidad na ito sa katapusan ng Mayo simula taong 2002,” dagdag pa ni Ms. Serrano.

Bukod dito, inaabangan din sa nasabing okasyon ang mga gowns na suot ng mga sagala na dinisenyo pa ng mga kilalang designers sa Navotas at kalapit na lungsod nito na Malabon.

Magbibigay-saya at sigla naman ang mga nanalong drum and lyre group noong nakaraang Navotas Drum and Lyre Competition mula sa Bagumbayan Elementary School at Bangkulasi Elementary School.

Ang rutang tatahakin sa sagalahan ay mula Rio Quatro, M. Naval St., Brgy. San Roque hanggang Navotas Amphitheather, C4-road, Brgy. Bagumbayan North kung saan bibigyang-pagkilala ni Mayor John Rey Tiangco ang bawat kalahok at 14 na barangay captains na sumuporta upang maging possible muli ang naturang aktbidad.

 

 

 

 

 

 

Show comments