^

PSN Showbiz

Callalily at 6Cyclemind may gagawing pasabog sa kanilang ‘Switch’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang double music jam ang magaganap sa concert ng Callalily at 6Cyclemind sa June 7 sa Music Museum. Pinamagatang Switch, ito ang kauna-unahang back-to-back major concert ng dalawang alternative pop bands ng bansa.

Simula pa ng mid-2000s ay pinasasaya na ang gig scene ng Callalily na pinangungunahan ni Kean Cipriano (bokalista) kasama sina Tatsi Jamnague, Aaron Ricafrente, at Lemuel Belaro. Pinasikat nila ang mga kantang Magbalik, Pasan, Insane, at Sanctuary. Nung isang taon lang ang pinakahu­ling album ng Callalily, ang Flower Power, kahit aktibo na rin sa pag-aartista si Kean. Nangako kasi siyang hindi iiwan ang banda.

Ang 6Cyclemind ay na­ka-limang album na si­mula nang tumugtog noong 2003. Naging boses nila si Ney Dimaculangan sa mga naging hit na Biglaan, Sige, Nalilitom Sandalan, Trip, Prinsesa, Upside Down, at marami pang iba. Taong 2012 nang opisyal na pumalit ang drummer na si Tutti Caringal bilang bokalista ng banda. Kasama pa rin sa grupo sina Ryan “Rye” Sarmiento, Ro­berto “Bob” Caña­mo, Vic Aquino, at Herbert Hernandez.

Dahil iisa ng band management at matagal nang nagkakasama sa live gigs, lalong excited ang Calla­lily at 6Cyclemind na magkasama sa isang mala­king concert na sila lang ang magpapasaya sa au­dience.

Walang problema sa kanila ang kolaborasyon dahil gumawa na si Kean ng isang redux na kanta, Kung Wala Na Nga, sa 6Cyclemind kasama sa vocals sina Yeng Constantino at Tutti.

At dahil Switch ang title asahan ang mangyayaring switch sa dalawang banda. Nangako rin silang may pasabog silang gagawin sa show na ika­gugulat ng mga manonood.

Hindi inaasahang pangyayari naganap sa deal...

Isang hindi inaasahang insi­dente na nga­yon lang uli naga­nap sa kasaysayan ng Ka­pa­milya Deal or No Deal sa Pi­­li­pinas ang nangyari kamakailan. Ma­ging ang studio audience ay napanganga at nagulat sa nangya­ring ito.

Ano nga ba ang naganap sa set ng hit game show na Kapamilya Deal or No Deal kung saan nag­laro para sa P2 milyong jackpot ang celebrity pla­yers at The Voice of the Philippines V reporters na sina Robi Domingo at Alex Gonzaga? Alamin ang kasagutan sa Kapamilya Deal or No Deal ngayong Sabado (June 1), pagkatapos ng TV Patrol Weekend sa ABS-CBN.

 

vuukle comment

AARON RICAFRENTE

ALEX GONZAGA

CALLALILY

DEAL

FLOWER POWER

HERBERT HERNANDEZ

KAPAMILYA DEAL

NO DEAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with