Sexy Star na si Maureen malalaki na ang apat na anak!
Hindi makumpirma ni Maureen Larrazabal sa presscon ng Anna KaÂrenina kung totoo nga ang mga balitang iiwan na sila ni Ogie Alcasid. Balita kasing mag-iiba ng network ang composer/comedian sa pagtatapos ng kontrata nito sa GMA sa susunod na buwan. “Pinanghahawakan na lamang naming mga kasamahan niya sa Bubble Gang ‘yung sinabi niyang walang iwanan. Bagaman at maapektuhan ng malaki ang show dahil sila naman ni Bitoy ang pinaka-tore ng show, pero kung totoo nga ang balita, the show will have to survive without him,†anang isa sa pioneer ng masa-yang programa na binalak na ring iwan ang programa pero hindi niya kinayang mawala rito ng matagal.
Isa na namang kontrabida ang role niya sa Anna Karenina. Parehong ‘bakla’ ang role nila ni Barbie Forteza na gumaganap ng anak-anakan niya.
Kari-renew pa lamang niya ng kanyang tatlong taong kontrata sa GMA at bukod sa Bubble Gang gagawa siya ng ibang mga programa sa network. Napanood siyang huli sa Kerubin kasama uli si Barbie.
Bilang paghahanda sa pag-alis niya sa showbiz na hindi niya magawa, nakapagpundar na si Maureen ng isang gym sa Dimasalang. “Dalawang taon na ito at bago ang mga equipment. Maayos pero hindi naman sobrang mura. Talagang pang-masa ang Curves (pangalan ng kanyang gym).â€
Meron din siyang isang apartelle sa Mabini na dalawang taon na rin. “Itinayo ko ito bilang paghahanda kapag hindi na ako artista. Kaming dalawa ng partner ko. May apat kaming anak, dalawa sa kasama ko at ang dalawa ay hindi ko biological children. I got them when they were four days and two weeks old. Si Claudine (Barretto) ang tumulong para mapadali ang pag-aampon ko sa kanila. Mag-aanim na taon na sila ngayon. May balak kaming magpakasal ng partner ko, pero hindi pa ngayon. May inaayos pa ito sa last marriage niya,†pagtatapat niya.
Yasmien pumayat sa pagtakbo
Marami ang nag-aakala na balik showbiz ni Yasmien Kurdi sa Anna Karenina na kung saan gumaganap siyang nanay ng totoong Anna Karenina.
Bago ang Anna Karenina ay nakaÂsama si Yasmien sa Amaya kaya hindi niya maituturing ang bago niyang serye na pagbabalik-showbiz niya. May mga kailangan siyang gawin para makakuha ng board exams para sa nursing. Sa ngayon, nagagamit niya ang pinag-aralan sa pag-aalaga sa kanyang anak na pinapalaki niya sa sarili niyang gatas.
Isang piloto ang kanyang asawa na nakilala niya sa eroplano sa isa kanyang mga biyahe. Walang pagsisisi si Yasmien na mas binigyan niya ng importansiya ang
“Masaya naman ako. Supportive ang asawa ko sa career ko. Love team pa kami ni JC (de Vera) noon at inili-link na kami, pero kami na nun ng naging asawa ko,†pag-amin ni Yasmien na matagumÂpay na nalabanan ang kanyang pagiging mataba sa pamamagitan ng pagtakbo ng dalawang beses isang araw. Mula sa bigat niyang 184 lbs., 128 lbs na lang siya ngayon. Balak niyang bumaba ito hanggang 120 lbs.
Kylie hindi makakampi sa ina
Bigla na lang magtatapos na pala ang Unforgettable. Kapag namatay ang character ni Rocco Nacino, si Benjamin Alves na ang lalabas na bida.
Samantala, mukhang nahihirapan si Kylie na kumuha ng side sa nagsisimulang away ng kanyang ina at stepmom. Hindi mo naman siya masisi dahil nasa abroad naman si Liezel Sicangco kasama ang bagong pamilya nito at ang dalawang kapatid ni Kylie samantalang andito naman siya with Robin Padilla and his new wife Mariel Rodriguez.
Hindi naman tamang kumampi si Kylie sa ina at kalabanin si Mariel. Mas mabuti na nga ‘yung ginagawa niyang pagiging neutral na lang at walang kinakampihan sa dalawa.
Coming Out parties may puwedeng mag-ayos
Ibang presscon ‘yung napuntahan ko na kung saan inilunsad ang Debut by Juan Carlo, isang catering business na ginawa para sa mga debut lang. Pinamununuan ito nang nag-aral pang si Juan Carlo del Rosario ang mag-revolutionize ng 18th birthdays o coming out party.
Hindi lamang pagkain ang iniaalok ng Debut By Juan Carlo, full package ang handog nito sa mga gustong ipamahala ang kanilang selebrasyon sa batang-batang marketing student ng De La Salle University. May offer din silang invitations, light and sound, flowers, cakes, gowns na gawa nina Edd Sy at JC Buendia, fireworks, video and photography, mobile bar at kung anu-ano pang pangangailangan na puwedeng magpakumpleto sa mga coming out parties.
- Latest