Sine Ko 5ingko Premiere, pasok sa Nielsen Top 15 Evening Programs

MANILA, Philippines - Pasok sa Top 15 evening programs ang mga pelikulang tampok sa Sine Ko 5ingko Premiere sa una nitong linggo, ayon sa Nielsen Audience Measurement Overnight Ratings (6:00PM to 12:00midnight). Maliban kasi sa mga exciting na featured blockbusters ng TV5, nakisaya rin ang ilang mga Kapatid celebrities sa pagdadub sa mga ito. Matatandaang TV5 ang unang naghatid ng mga everyday Hollywood blockbusters ng libre sa mga Pinoy tele­viewers, kaya naman mas naging kapana-panabik ang panonood ng pelikula sa Ka­pa­tid Network.

Nakapagtala ng 5.4% AMR sa NUTAM at 5.3%AMR sa MEGATAM ang Philippine free TV premiere ng G.I. Joe: Rise of Cobra last Monday kung saan tampok ang boses ni JC de Vera, na napapanood din sa Cassandra: Warrior Angel. Nakapagtala naman ng 5.2%AMR sa NUTAM at 5.9%AMR sa MEGATAM ang The Day After Tomorrow. Noong Martes, tampok sa Sine Ko 5ingko Premiere feature ang Transformers II: Revenge of the Fallen kung saan nag-dub sina Edgar Allan Guzman at Arci Muñoz para kina Shia LaBeouf and Megan Fox. Nakapagtala ito ng 5.9%AMR sa NUTAM and 6.5% AMR sa MEGATAM, samantalang nakaabot naman ang Little Big Soldier na may ratings na 3.9%AMR sa NUTAM at 4.3% AMR sa MEGATAM.

 

Show comments