Louise delos Reyes ibabahagi ang kuwento ng buhay sa Magpakailanman

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado sa Magpakailanman, sundan ang kuwento ng isa sa mga prime talents ng GMA Network na si Louise delos Reyes.

Alamin ang kanyang mga pinagdaanan bago siya  nakilala bilang Adana ng Alakdana, bilang Elize ng One True Love, at bilang Marilyn ng Mundo Mo’y Akin.

Bata pa lamang si Mary Grace Perido, alam na niya na gusto niyang maging isang sikat na artista. At hindi man ito gusto ng ama, pinili pa rin ng mga magulang niya na ibigay ang hiling ng kanilang unica hija.

Dahil sa kaniyang angking talento, hindi nagtagal ay nakamit rin niya ang kaniyang inaasam na kasikatan. Nakilala siya bilang si Louise delos Reyes.

Bukod sa kaniyang galing sa pag-arte, nakuha rin agad ni Louise ang loob ng kaniyang mga taga-suporta dahil sa kaniyang masayahing disposisyon sa buhay. Ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang fans, may ilang hinanakit na itinago si Louise.

Mula sa masusing direksyon ni direk Gil Tejada, Jr., inihahandog ng Magpakailanman ang isang mala-Koreanovelang love story sa pagitan ni Louise at ng unang lalaking inibig niya, at ang kuwento ng mga magulang na gagawin ang lahat huwag lang masaktan ang kanilang pinakamamahal na anak. 

Kasama ni Louise sa pagsasadula ng kaniyang buhay sina Jomari Yllana, Jan Marini at Ken Chan; kabilang rin sina Yassi Pressman, Rox Montealegre, at ang Down to Mars.

Huwag palagpasin ang kuwento ni Louise delos Reyes ngayong Sabado sa Magpakailanman, pagkatapos ng Vampire ang Daddy ko sa GMA7.

Show comments