Chin Chin mas piniling magsilbi sa Diyos! LT napahagulgol nang tanggalin ang mga damit ni Daboy sa cabinet

PIK : Nagpapasalamat si Jackie Rice sa GMA 7 na isinama siya sa Bukod Kang Pinagpala dahil first time raw niyang gumanap bilang mother.

Akala raw niya hindi niya magagampanan nang maayos dahil hindi pa niya naranasan ang maging ina. Pero siya ang isa sa pinuri dahil kakaibang nanay ang ginampanan niya rito.

PAK: Totoo kayang isa na raw madre si Chin Chin Gutierrez?

Inaayos ngayon ng Startalk na makausap si Chin Chin, dahil nga sa nakarating na kuwento ay isa na raw itong Carmelite sister.

Matagal nang hindi visible si Chin Chin sa showbiz na ang balita nun ay in hiatus lang daw siya.

Tahimik lang siya at nagulat na lang kami na mas pinili na nito ang magsilbi sa Diyos.

BOOM : Sa June 7 ay pang limang death anniversary na ni Rudy Fernandez at kung si Lorna Tolentino ang tatanungin, parang sariwa pa rin sa kanya ang pangyayaring iyun at nandiyan pa rin sa kanya ang alaala ng nasirang asawa.

Kamakailan lang ay napahagulgol ng iyak si Lorna nang tanggalin ang mga damit ni Kuya Rudy sa kanilang cabinet dahil pinaayos ang kuwarto nila.

Kaya nandiyan pa rin ang pangungulila niya kay Kuya Rudy, at mabuti na lang at nandiyan ang mga anak nila at ang apo niyang si Tori na nagpapasaya sa kanya.

Hindi pa masabi ni Lorna kung ano ang gagawin nila sa death anniversary ni Kuya Rudy, pero tiyak na magpapamisa sila kasama ng buong pamilya at malalapit na kaibigan.

 

Show comments